Hindi Na Nakatiis Ogie Diaz Bumwelta Sa KathNiel Fans Viral Ngayon

Miyerkules, Nobyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay binabatikos pa rin ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ng mga fans ng KathNiel dahil sa umano'y pagpapakalat nito ng fake news hinggil sa hiwalayan ng celebrity couple.


Sa nagdaang episode ng showbiz update ni Ogie Diaz, naisiwalat niya ang nakarating sa kanyang balita hinggil sa umano'y hiwalayan ng longtime celebrity couple.


Ipinahayag naman ni Ogie Diaz na hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito kaya naman hinihiling niya na sana ay magbigay na ng pahayag ang KathNiel ukol rito.


Hiniling din ng talent manager na sana ay hindi ito totoo.


Napakalinaw naman ng pagkasabi ni Ogie Diaz na hindi ito kumpirmado gayunpaman, binabatikos pa rin ng mga KathNiel fans si Ogie Diaz.


Hindi matanggap ng mga KathNiel na binalita ni Ogie Diaz ang hiwalayan ng dalawa gayung hindi pa naman pala ito kumpirmado.


Sa kabila ng natatanggap na pambabatikos ni Ogie Diaz, tila hindi naman naapektuhan ang career nito dahil marami pa rin ang nagtitiwala sa kanya.


Patuloy pa ring dumadami ang mga aritista na nagpapa-acting workshop sa kanya.


Samantala, tila hindi naman na nakapagtimpi si Ogie Diaz at pinatulan na ang mga KathNiel fans na tumatawag sa kanya ng mga pangalan.


Noong linggo, nagbahagi ng isang post si Ogie Diaz kung saan nagbigay siya ng saloobin patungkol sa natatanggap niyang mensahe mula sa kanyang mga bashers.


"'Pinagkikitaan niyo ang buhay ng mga artista', 'Galing sa tsismis ang ipinangkakain niyo sa mga pamilya niyo'.


"Tangina niyo ng mga ito. Ganyan silang mga delulu fans pag ayaw nila ng balita mo tungkol sa mga idol nila. Pero kapag pinuri-puri mo naman ang mga idol nila, hindi naman nila naiisip na galing sa tsismis ang pinangpapakain mo sa pamilya mo.


"Kung minsan, 'magkano ang ibinayad sa'yo para purihin sila' queen ina niyo, saan pa namin ilalagay ang mga sarili namin dahil hindi namin kayo maispelling."


Dagdag pa ni Ogie Diaz, "Oo nga naman, minsan ang mga fans pa ang nagpaparating sa mga idolo nila na nasulat sila ng hindi maganda kaya naman ang mga artista, lalo na kapag wala sa mood ay nagagalit o di kaya ay ipapaban ka sa mga media conference nila."


Samantala, may ilang mga fans naman din naman umano na sila pa mismo ang nagpapasalamat on behalf sa mga idolo nila kapag nasusulat ng maganda.


"Infairness, may mga fans din na sila na mismo ang nagpapasalamat on behalf sa kanilang idolo  kapag nasusulat ng maganda. Kadalasan kasi ay hindi marunong magpasalamat ang mga artista.'


Ipinahayag din ni Ogie Diaz na hindi perpekto ang mga artistang hinahangaan ng mga fans.


"Bakit anong akala niyo sa mga idol niyo, perfect, hindi nagkakamali, hindi nalilihis ng landas, tama lahat ang desisyon at palakad sa buhay?"


"Oh eh, bakit hindi niyo ikampanya, para tuluyan nang maging santo."


Marami naman ang natawa sa nasabing post ni Ogie Diaz dahil kahit halatang irita na ay idinaan na lamang nito sa pagbibiro ang kanyang naging mensahe.


Samantala, matapos mabuo ang mga spekulasyon hinggil sa mga fans ng KathNiel, nauna nang nagsalita ang aktor na wala itong katotohanan.


Wala na ring dapat pang ipag-aalala ang mga fans nila dahil maayos naman ang kanilang relasyon.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo