Toni Gonzaga Muling Mag-Babalik Bilang Main Host Ng Pinoy Big Brother Season 11

Miyerkules, Nobyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang balitang magbabalik sa ABS-CBN ang actress-host na si Toni Gonzaga.


Ayon pa sa mga bulong-bulungan na naghahanda na umanoa ng ABS-CBN ng programa para sa muling pagbabalik ni Toni Gonzaga.


Kasunod nito, umugong naman ang usap-usapan na magbubukas muli ang bahay ni Kuha sa ika-11 na season nito kung saan babalik din si Toni Gonzaga bilang main host.


Matatandaan na mula sa unang season ng Pinoy Big Brother ay kabilang na si Toni Gonzaga sa mga naging host nito, nagresign lamang siya noong 2022 dahil sa backlash na natanggap dahil sa pagsuporta sa UNI-Team.


Sakabilang banda, tila nagbigay ng pahiwatig ang actor-host na si Robi Domingo sa posibilidad ng pagbubukas ng Pinoy Big Brother nang ibahagi niya sa kanyang social media account ang larawan nila ni Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez, Enchong Dee at Kim Chiu.


Matatandaan na sila ang naging host ng Pinoy Big Brother     Season 10 matapos ang pagreresign ni Toni Gonzaga.


Inaasahang magbabalik sa susunod na taon ang Pinoy Big Brother, kabilang sa mga napag-uusapan ngayon ay kung ito na ba ang tinutukoy na programang inihahanda ng ABS-CBN para sa pagbabalik ni Toni sa nasabing network.


Ayon sa mga kumakalat ngayong mga balita, magbabalik Kapamilya si Toni Gonzaga kasabay ng muling pagbabalik ng programa ng ABS-CBN.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. May mga nagsasabi na sapat na ang mga bagong host ng reality show kaya hindi na umano kailangang ibalik pa si Toni Gonzaga.


May ilan naman na nagsasabing dapat ay kalimutan na ang nangyari noong National Elections at patawarin na lamang si Toni Gonzaga.


Gayunpaman, wala pa ring ipinapalabas na opisyal na pahayag ang ABS-CBN hinggil sa balitang ito.


Ang Pinoy Big Brother, na mas kilala sa pinaikling titulo nito na PBB, ay ang bersyon ng Pilipinas ng Big Brother reality game show franchise. 


Ang salitang Pinoy sa pamagat ay isang colloquial term para sa mamamayang Pilipino. 


Ang Pinoy Big Brother ay isang Philippine television reality show broadcast ng ABS-CBN, Studio 23 at ang international channel nito, TFC sa iba't ibang bansa sa buong mundo. 


Ang mga original host ng programa ay sina Willie Revillame, Toni Gonzaga and Mariel Rodriguez. Ipinalabas naman ang unang episode nito noong August 21, 2005.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo