Dahilan Ng Pambubwi-sit Ni MJ Lastimosa Ni Miss Grand President Nawat Itsaragrisil

Biyernes, Nobyembre 3, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang dating beauty queen na si MJ Lastimosa, matapos itong magtrending sa social media dahil sa pagtalak ni Mr. Nawat Itsaragrisil, ang CEO at founder ng Miss Grand International pageant.


Naunang nag-viral sa ilang mga social media platforms ang vlog ni MJ Lastimosa kung saan kinapanayam niya ang isang transgender beauty queen na si Maki Gingoyon.


Sa naturang vlog, tinanong ng Miss Universe Philippines na si MJ Lastimosa si Maki kung ano ang worst beauty pageant dito sa Pilipinas.


Agad naman itong sinagot ni Maki na 'Miss Grand'. Pahabol pang tinanong ni MJ Lastimosa kung 'Miss Grand Philippines ba o Miss Grand International' ang worst.


Tumatawang sumagot si Maki na ang tinutukoy niya ay ang Miss Grand Philippines at Miss Grand International.


Agad namang nakarating sa founder at CEO ng Miss Grand International pageant na si Mr. Nawat Itsaragrisil ang mga video clips na mula sa vlog ni MJ Lastimosa.


Hindi ito nagustuhan ni  Mr. Nawat at kaagad na bumwelta sa isang Tiktok live.


“Starting next year 2024, that lady MJ Lastimosa is no longer welcome to watch the number one beauty pageant Miss Grand International!


“From now on, she is not allowed to talk anything about our pageant! I don’t want her to be associated with our pageant! We spent millions in our productions to be very good and she will only say that our pageant is the worst of all? That is not acceptable.”


Inokray din ni Mr. Nawat ang dating beauty queen kung saan ipinahayag nitong 'no brain' at 'below standard' si MJ. 


Sa kabilang banda marami naman ang nagpaabot ng suporta kay MJ Lastimosa sa kabila ng mga maanghang na pahayag ni Mr. Nawat Itsaragrisil.


"When the bully gets a taste of his own medicine.. Now what (Nawat) does it hurt hahaha.. After mag walk out ni MJ Sa Vietnam do you think she will come back.. You wish Nawat! The world doesn’t evolve around you and your cheap pageant. From now on you are nothing to Filipinos even to MJ.. I salute MJ for standing up for Nikki."


"I LOVE MJ LASTIMOSA 🤍🤍🤍 

MATAGAL NA NATIN ALAM WHAT IS THE WORST PAGEANT IN THE PHILIPPINES and INTERNATIONAL."


Samantala, naniniwala naman ang ilang mga Filipino pageant fans na kaya inasar ni MJ Lastimosa si Nawat Itsaragrisil ay dahil sa pambabatikos ng huli sa kandidatang ipinadala ng bansa sa Miss Grand International na si Nikki De Moura.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo