It's Your Lucky Day Magbabalik Sa December

Biyernes, Nobyembre 3, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang haka-hakang magbabalik sa ere ang noontime show na pansamantalang pumalit sa It's Showtime noong nakasuspinde ito ng 12 airing days.


Malaki ang posibilidad na makakabalik sa ere ang It's Your Lucky Day dahil sa isang executive na nagustuhan ang show. Bukod pa rito, may ilang mga netizens din ang humiling na sana ay mabigyan ng sariling timeslot ang show.


Samantalasa, sa isang kumakalat na balita mula sa isang kilalang source, isa sa mga Kapamilya executives ang nagustuhan ang show dahil sa natatanggap nitong ratings at komento mula sa mga manonood.


Matatandaan na nanawagan din noon ang ina ni Luis Manzano at veteran actress-politician na si Vilma Santos na sana'y magtuloy-tuloy ang variety show na pinagungunahan ng anak.


Nakasama ni Luis Manzano sa It's Your Lucky Day sina Melai Cantiveros, Robi Domingo, Shaina Magdayao, Jennica Garcia, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin, Kapuso actress Bianca Umali, Long Mejia bukod sa iba pa.


Ayon pa sa kumakalat na balita, dagsain din ng advertisers ang It's Your Lucky Day kaya naman may posibilidad umano na pababalikin ito ng ABS-CBN.


Maari rin umano itong mapabilang sa mga pasabog ng netwrk sa darating na 2024. Ito ay kung mapapadali ang pagbuo ng budget rito as per advetisers.


Maari rin naman umanong mapadali ang comeback ng show sa bago magtapos ang taon.


Sa isinagawang survey ng production para sa posibleng maging timeslot nito, marami ang nagsasabing magandang ilagay ang show bago ang tagalog news cast na TV Patrol.


Maging ang mga It's Your Lucky Day hosts ay umaasa pa rin na magkakabalik sa telebisyon ang kanilang show.


Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Robi Domingo ang kanilang groufie kung saan ipinahayag niya sa caption ang kagustuhan na magtuloy-tuloy ang kanilang programa.


"Malay niyo, swertehin din tayo," caption ni Robi.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo