Kris Aquino Nagulat Sa Surprise Ni Mark Leviste

Biyernes, Nobyembre 3, 2023

/ by Lovely


 Malaki ang nagagawa ng pag-ibig sa buhay ng isang tao. Kaya naman makikita sa buhay ni Mark Leviste ngayon na kasalukuyang Vice Governor ng Batangas na kaya niyang magpunta gaano man kalayo para lamang sa kanyang minamahal.


Sa kamakailang Instagram post ni Mark Leveste makikitang nag-enjoy ang Vice Governor sa pagdiwang ng All Saints Day at All Souls Day kasama sina Kris Aquino at mga anak nito na kasalukuyang nasa Amerika.


Kabilang sa mga larawan na kumakalat sa social media na nakaantig sa mga netizens ay ang larawan nina Mark Leviste at Josh Aquino habang suot ang isang twining outfit.


Marami ang nasiyahan dahil makikita ang closeness ng mga ito sa isa't-isa. Sa kabilang banda, humahanga rin ang ilang mga netizens kay Mark Leviste dahil napaka-consistent nito sa pagpapakita ng pagmamahal at pagbibigay effort sa relasyon nila ni Kris Aquino.


Palaging pinupuntahan ni Mark Leviste si Kris Aquino sa tuwing holidays at ibang mahahalagang occasions sa mga Aquino. Tila hindi nito alintana ang layo ng Amerika at Pilipinas basta't makasama lamang niya ang taong minamahal.


Matatandaan na si Mark Leveste ang naging daan sa naganap na reunion nina Kris Aquino at Kim Chiu. Bukod dito malaki rin umano ang naitulong ni Mark Leviste sa pagkikita nina Boy Abunda at Kris Aquino.


Naibahagi pa noon ni Kris Aquino na si Mark Leviste ang naging cameraman sa maikling interview ni Boy Abunda sa kanya.


Ang pagbisita ding ito ni Boy Abunda kay Kris Aquino ang nagtuldok sa isyu noon na tila may hindi pagkakaunawaan ang dalawa.


Isiniwalat din ni Kris Aquino na magkakasama sila ng pamilya ni Mark Leviste sa pagdiriwang ng pasko sa susunod na buwan na at the same time birthday din ni Mark Leviste.


"But in a few days babalik na sya sa 🇵🇭 at sa Pasko, kasama ng 3 anak nya na kaming lahat magsasama. (Christmas is also his birthday.)"


Marami naman ang natutuwa sa lovestory nina Kris Aquino at Mark Leviste hiling ngayon ng mga netizens na sana ay tuluyan ng gumaling si Kris Aquino upang magpatuloy ang pag-iibigan nilang dalawa ni Mark Leviste.


Matatandaan na ipinahayag noon ni Kris Aquino na naghiwalay na sila ni Mark Leviste ilang buwan matapos aminin ang kanilang relasyon.


Gayunpaman, hindi pa rin tumigil si Mark Leviste sa pagpapakita ng pagmamahal kay Kris Aquino.


Hindi naman nagtagal ay nagkabalikan na ang dalawa.


Sa ngayon ay naka-pokus si Kris Aquino sa kanyang pagpapagaling at sa romantic relationship nila ni Mark Leviste.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo