Cristy Fermin, Sinabing Hindi Kayang Panindigan Ni Xian Lim Si Kim Chiu

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Naimbyerna ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa hindi diretsahang pagsagot ni Xian Lim sa katanungan hinggil sa totoong estado ng relasyon nila ngayon ni Kim Chiu.


Ayon kay Cristy Fermin, napakasimple lamang umano ng katanungan ng mga netizens, kung sila pa ba ni Kim Chiu.


"Ang simple nga naman ng tanong, kayo pa rin ba ni Kim? Aba nagkilometrikong paliwanag na kung ano-ano. Kesyo wala umano siya dito sa showbiz para magpaliwanag sa kahit kanino. Kesyo nandito umano siya para i-showcase ang kanyang talent. Talent? Mayroon ba?" pahayag ni Cristy Fermin.


Ipinahayag pa ni Cristy Fermin na hindi umano ito ang tamang pagsagot ng tanong.


"Inquisitive ang mga tao, syempre gusto nilang malaman mula sa horse's mouth ika nga sa mga taong sangkot."


Tinawag pa niyang makuda at may kasupladuhan si Xian Lim.


"Makuda itong lalaking ito, ewan ko ba't ganyan siya. Hindi masamang magtanong at hindi masama na sumagot nang maayos, di ba Xian Lim? May kasupladuhan talaga ito e."


Matatandaan na tila naging misleading ang naging social media post ni Xian Lim sa mga intrigang kinakaharap nila ngayon ng kanyang girlfriend.


Pwede naman umanong sabihin na may koneksyon pero medyo paligoy-ligoy.


Matatandaan na naging usap-usapan sa social media ang hiwalayan nila ng girlfriend na si Kim Chiu dahil hindi na sila nakikitang magkasama.


Maging sa kani-kanilang social media ay nanahimik na ang dalawa.


Hindi na rin sila nagkakasama sa mga pagbabakasyon na dati naman nilang ginagawa upang magkaroon ng quality time together.


Subalit sa naging post ni Xian Lim sa kanyang Instagram account ay lalo pang nagpagulo sa kwento.


Sa kabilang banda, nagbigay naman ng pahayag ang aktres na si KimChiu kung saan hayagan niyang sinabi na maayos pa rin ang pagsasama nila ng kanyang boyfriend.


Kaya naman, marami ang nag-iintriga ngayon kay Xian Lim kung bakit tila hindi nito maamin sa lahat na maayos at wala silang tampuhan ng kanyang girlfriend.


Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na naitrigang naghiwalay na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Matatandaan na noong July 2017, napabalita ring naghiwalay na ang dalawa subalit mabilis naman itong pinabulaanan ni Xian.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo