Ashley Ortega May Mensahe Kay Kim Chiu Sa Gitna Ng Hiwalayan Isyu Nila ni Xian Lim

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng prangkang pahayag ang aktres na si Ashley Ortega patungkol sa pagkakaibigan nila ni Xian Lim matapos madawit ang kanyang pangalan sa isyung kinakaharap ng longtime celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Matatandaan na noong bumida sina Ashley Ortega at Xian Lim sa teleseryeng Heart On Ice may kumalat na isyu na umano'y magkasama pa rin ang dalawa kahit tapos na ang taping.


Gayunpaman, iginiit ni Ashley Ortega na walang epekto sa kanila ang mga kontrobersiya dahil wala naman umanong namamagitan sa kanila.


"Actually yung mga intriga naman noon, it was a long time ago. Hindi naman kami nagpaapekto, we keep our environment healthy at iyon naman po ang importante. Wala naman po talaga kaming ginawang masama."


Hinala naman ni Ashley Ortega na baka, may ilang mga fans ang KimXi ang hindi nagustuhan ang kanilang pagtambal sa nasabing teleserye na naging dahilan upang paghinalaan siya ng mga ito.


"Siguro may mga fans lang, mga solid fans nila ni Kim, but I respect them."


Ibinahagi pa ni Ashley Ortega na naging katatawanan lamang nila ni Xian Lim ang mga kumakalat na isyu patungkol sa kanilang dalawa dahil wala naman umano itong katotohanan.


"It was a waste of time to talk about it kaya dinedma nalang namin, natatawa nalang kami."


Ibinunyag pa ni Ashley na minsan na niyang nakilala in person si Kim Chiu at wala naman umanong awkwardness sa pagitan nilang dalawa.


"I met her, kasi noong Heart on Ice days nagkaroon sila ng movie ni Kim and Xian invited me sa premier night, doon ko nakilala si Kim."


Kahit hindi pa sila matagal na nagkakilala ni Kim Chiu, masasabi na umano niyang mabait na tao ang aktres. Bukod dito nakikita rin umano niya na matatag ang relasyon ng dalawa.


"Mabait si Kim atsaka solid talaga sila."


Inamin naman ni Ashley Ortega na marami siyang natutunan habang nagkatrabaho sila ni Xian Lim, isa na umano rito ay kung paano ihandle ang mga bashers.


Ipinahayag din ni Ashley Ortega na talagang dumami ang kanyang bashers at nakakatanggap na siya ng mga negatibong komento mula nang magkasama sila sa trabaho ni Xian Lim.


Gayunpaman, wala naman umano siyang pinagsisisihan sa kanilang pagiging co-stars dahil maituturi umano niyang isa sa mga big stars sa showbiz industry ang aktor.


"Doon ko na-realize na kapag ang partner mo ay isang malaking artista talaga, so dedma nalang."


Dagdag pa ng aktres, "The best waqy to deal with it is just avoid it and huwag nang magpaapekto kasi alam ko naman sa sarili ko ang totoo."


Ikinagbigla din naman umano ni Ashley ang pagkakadamay niya sa intriga subalit mas pinili na lamang umano niya na huwag nang magpaapekto.


"Nabigla rin ako, but not in a way na naapektuhan ako ng sobra. Okay naman ang naging relationship namin ni Xian, hindi kami nagkailangan."


Bagama't nadawit sa isyu, hiling pa rin ni Ashley na muling makatambal sa iisang proyekto sa Xian Lim.


Si Ashley Ortega ay maituturing na unang naging leading lady ni Xian Lim bilang Kapuso actor.


Matatandaan na noong 2021 marami ang nagulat nang magdesisyon ang aktor na si Xian Lim na lumipat ng ibang network, mula sa ABS-CBN. 


Samantala, isa sa pinag-ugatan ng isyung naghiwalay na sina Kim Chiu at Xian Lim ay ang mga social post ng dalawa na wala nang kinalaman sa isa't-isa.


Gayunpaman, sa isang panayam, nilinaw na ni Kim Chiu na maayos pa rin ang kanilang relasyon ng boyfriend na si Xian Lim sa loob ng 12 years.


Tila nagla-lay low lamang ang mga ito sa ngayon dahil may kanya-kanya silang proyekto sa kinabibilangan nilang network.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo