Kim Chiu, Xian Lim Wala Ng Pakialam Sa Isat-Isa Matapos Maghiwalay

Biyernes, Nobyembre 17, 2023

/ by Lovely


 Hindi pa rin natigil ang mga usap-usapan patungkol sa naging tahimik na hiwalayan umano ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Ito'y sa kabila ng paglilinaw ni Kim Chiu na maayos naman ang kanilang relasyon ni Xian Lim.


Marami ngayon sa kanilang mga fans ang nagtatanong kung ano nga ba ang totoong nararamdaman ng dalawa sa gitna ng mga isyug kinakaharap nila.


Hanggang ngayon ay nanatiling tahimik si Xian Lim, hindi nito sinasagot ang mga netizens na nagtatanong sa kanya hinggil sa estado ng relasyon nila ni Kim Chiu.


Sa kabila ng pagpapahayag ng aktres na wala naman silang naging problema sa mga ginagawang projects na hindi magkasama at may kanya-kanyang ka-loveteam.


Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na tila wala na umanong pakialaman ngayon sina Kim Chiu at Xian Lim.


Hindi na umano nakikitang nagrereact ang mga ito sa social media post ng dalawa na dati naman nilang ginagawa.


Ayon naman sa aming source, hindi na umano magsasalita pa ang dalawa dahil maayos naman nilang tinuldukan ang kanilang relasyon.


Isa pa hindi naman na sila magka-loveteam kaya hindi na umano makakaapekto sa kanilang career ang kanilang paghihiwalay.


Sa ngayon ay hindi na umano nagkikita pa ang dalawa dahil wala na silang dahilan at naging maayos naman ang kanilang usapan.


Marami naman sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Xian Lim ang nanghinayang dahil sa matagal nilang relasyon na tila ay nasayang lang.


Gayunpaman, naniniwala ang ilang mga netizens na kung nakatakda sa isa't-isa ang KimXi ay magkakabalikan pa rin ang mga ito pagdating ng panahon.


Sa ngayon ay parehong abala ang dalawa sa kani-kanilang mga showbiz careers at hindi na nagpapakialaman pa sa kung ano man ang genre ng gagawin nilang proyekto.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo