Ricci Rivero, May-Alam Sa Lihim Na Pagkikita Ni Daniel Padilla, Andrea Brillantes

Miyerkules, Nobyembre 22, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa kanyang online program, kung saan ipinahayag niyang may alam ang kampo ni Ricci Rivero sa isyung palihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Binalikan din nina Cristy Fermin ang naging bwelta ni Ricci Rivero sa naging tweet noon ng best friend ni Andrea Brillantes, patungkol sa totoong nangangabit.


Pahayag noon ni Ricci Rivero, “puro tweet Bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi  ka lifeline para may bala ka bago ka magreply publicly for your publicity. Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline.”


Hinala ni Cristy Fermin na noon pa man ay alam na umano ni Ricci Rivero na palihim na pumupunta o nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Kaya naman, may lakas umano ito ng loob na magbahagi ng ganung tweet dahil may pinanghahawakan itong ebedensya laban kay Andrea Brillantes.


“Para bang ang laman n’on e sino ang nauna sa kanilang dalawa… Reading between the lines para bang ang ibig sabihin ng basketbolista e ‘Ano? Magkakasama kayo hindi n’yo alam? Sino ba ang nauna sa aming dalawa?’ Parang ganoon. ‘Yun ang naglalaro sa utak niya,” saad ni Cristy Fermin.


“At ito na nga, alam na alam daw ng kampo nitong si Ricci Rivero ‘yung lihim na pagkikita ni Daniel saka ni Blythe. Alam mo kung alam niya ‘yun at ‘di siya nagsasalita, napakabait ni Ricci,” segunda naman ni Romel Chika.


Ayon pa kay Cristy Fermin na kung gustong kumuha ng simpatya ngayon si Ricci Rivero mula sa mga netizens ay ipahayag na niya ang totoong alam niya sa relasyon nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa mga isiniwalat nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez.


"If there is truth to this third party issue with kathniel, I feel for Kathryn. She invested her time, love and loyalty and what she got in return is unforgivable. It’s not just Kathryn , it is also Kathryn’s family who treated Daniel as a son and Kathryn’s mom who also looks after Daniel. 


"It is sad that this happened to Kathryn being this is not the first time. Loyalty is important to Kathryn, in one of her interviews, she mentioned that Loyalty means contentment. Be contented with what you have, bakit pa mag hahanap nang iba.


"As sad as it is, maybe they are not meant to be. Kathryn deserves a man who will treat her right, will not control her, respect her , love her unconditionally and will be faithful to her. Marami ang nag aabang for her to be single again. Daniel does not deserve Kathryn’s love and loyalty."


"Kapag nagcheat na ang lalaki or babae, nawala na ang napakahalagang aspeto ng relasyon which is trust and respect. Kapag hindi kana nirerespect ng kapartner mo, gagawin niya kahit makasakit sayo, kapag wala ng trust ang relasyon, magiging toxic ang relasyon dahil lagi ka nalang naghahanap ng rason para maging paranoid. 


"Kapag ang kapartner mo ay nagdecide na magcheat, it is because ready sila na mawala ang kung anong meron kayo. Sana huwag na itolerate ni Kathryn dahil this is the right time to let go of the man-child. Do not wait too long dahil tumatanda na."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo