Vice Ganda Ion Perez Pinagtawanan Pagkawala Ng Mga Account Ni Rendon Labador

Lunes, Setyembre 11, 2023

/ by Lovely


"Nakapag-mass report na ba ang lahat?"


Ito ang malaman na pagbibiro ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa isang episode ng It's Showtime na ayon sa hinala ng mga netizens ay patungkol kay Rendon Labador.


Matatandaan na kamakailan lamang ay tuluyan nang na-ban sa Facebook at TikTok si Rendon Labador matapos ang pagmass report umano sa kanya ng mga fans nina Vice Ganda at Coco Martin.


Tila hindi talaga nagkakamali si Rendon Labador sa kanyang hinalang ang mga fans ni Vice Ganda ang salarin sa pagkawala ng kanyang Facebook page at TikTok account.


Tila inasar pa lalo ni Vice Ganda si Rendon Labador, nang bubuksan na ni Ion Perez ang kahon para sa kanilang segment na Rampanalo, humirit muna si Vice Ganda kung nakapag-mass report na ba ang lahat.


Agad namang naghiyawan ang mga Madlang Pipol sa studio maging ang mga co-host ni Vice Ganda sa It's Showtime natawa na lamang sa hirit nito para kay Rendon Labador.


Hindi pa rito nagtatapos ang tila pang-aasar ni Vice Ganda kay Rendon Labador. Ilang beses pa niya iyong sinambit sa nakakatawang paraan.


Samantala, ibinahagi nman ni Rendon Labador sa kanyang Instagram post na maging ang kanyang Gmail account ay na disabled na rin.


Ibig sabihin, hindi lamang ang kanyang Facebook page at TikTok accoun ang nanganganib na mawala kundi maging ang kanyang Gmail account at YouTube channel.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo