Ogie Diaz Nag Update Sa Kasalukuyang Kalagayan Ni Angel Locsin at Sa Husband Na Si Neil Arce

Lunes, Setyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay naging palaisipan pa rin sa mga netizens ang dahilan ng biglaang pananahimik ni Angel Locsin sa kanyang social media at ang biglaang pagkawala rin nito sa limelight.


Marami sa mga fans ni Angel Locsin ang nag-aalala dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang health conditions nito.


Matatandaang huling nagbahagi si Angel Locsin ng update sa kanyang social media ay noong August 2022 sa baby shower ng kaibigang si Angelica Panganiban.


Samantala, sa isang episode ng YouTube showbiz vlog ni Ogie Diaz, nagbigay siya ng idea sa mga fans ni Angel Locsin patungkol sa kalagayan ng actress ngayon.


Ayon kay Ogie Diaz, intentional ang dahilan kung bakit biglang nanahimik sa social media si Angel Locsin. Ibig sabihin, sinadya ni Angel Locsin na manahimik at lumayo muna sa magulong mundo ng showbiz at social media.


Gayunpaman, siniguro ni Ogie Diaz na walang dapat ipag-aalala sa kalagayan ngayon ni Angel Locsin dahil maayos lamang ito at namamalagi lamang sa kanilang tahanan.


Pinabulaanan din ni Ogie Diaz ang matagal nang haka-haka na umano'y naghiwalay na sina Angel Locsin at Niel Arce.


Ayon pa kay Ogie Diaz, ini-enjoy ngayon nina Niel Arce at Angel Locsin ang kanilang buhay malayo sa social media at sa showbiz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo