Reaksyon Ni James Reid Sa Pag-Aresto Sa Kanyang Business Partner Na Si Jeffrey Oh

Lunes, Setyembre 4, 2023

/ by Lovely


 Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang co-founder ng talent management ng Careless Management hinggil sa pagkakaaresto ng kanilang CEO at kanyang business partner na si Jeffrey Oh.


Nagbigay na ng saloobin ang aktor na si James Reid hinggil sa kontrobersiya sa likod ng pagkakaaresto ni Jeffrey Oh.


Matatandaan na lumabas ang mga balita noon na kaya naaresto si Jeffrey ay dahil sa paglabag nito sa Work Permit Regulations.


Sa isang panayam kay MJ Felipe, inamin ni James Reid ang impact sa pagkakaaresto ni Jeffrey Oh sa kanilang negosyo.


"This year has been one of the biggest challenges so far. But we are learning a lot and honestly we just keep getting stronger."


Matatandaan na kinumpirma ng Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval noong August 8, 2023 na inaresto nila ang American businessman na si Jeffrey Oh at maaring madeport.


May mga naglabasang mga haka-haka na umano'y mismong ama ni James Reid ang nagreklamo at nagsumbong sa illegal na pagnenegosyo ni Jeffrey sa bansa na naging dahilan ng pagkadeport nito.


Kaya naman sa nasabing panayam, pinabulaanan din James Reid ang usaping ito at ipinagdiinan na walang kinalaman ang kanyang ama sa pagkakaaresto kay Jeffrey.


"I was shocked. Me, my family, especially my dad. We were shocked of the rumors that were coming out. When it came out, he said, 'James, what did I do?' So yeah he was shocked."


"The most simplest way to say it is that he had nothing to do with it."


Dagdag pa ni James Reid, "It was surprising and we can joke about it but he was upset at everything that was happening and this misunderstanding. He was upset on my behalf."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo