Reaksyon Ni Vic Sotto Ng Iguhit Ni Luna Agoncillo Ang Mga Host Ng Eat Bulaga

Biyernes, Setyembre 1, 2023

/ by Lovely


  Napangiti si Bossing Vic Sotto matapos niyang makatanggap ng isang regalo mula sa anak nina Juday at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo.


Sa isang bondpaper, iginuhit ng bata ang ilang mga dating hosts ng Eat Bulaga kabilang na ang kanyang ama at ang TVJ.


Makikita naman na talagang maayos ang pagkakaguhit ni Luna. Sa simpleng guhit ni Luna talagang makikita ang kanyang paghanga para kay Vic Sotto.


Isa itong pagkakataon para iparamdam kay Vioc Sotto kung gaano siya hinahangaan ng mga tao.


Samantala, hindi naman maitago ni Vic Sotto ang kanyang pagkagiliw kay Luna at sa cute na drawing nito.


Maging ang ilang mga netizens ay napahanga rin sa art ni Luna kaya naman sinasabi nilang tiyak umanong may future ang bata sa larangan ng sining.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo