Singer Na Bumirit Sa Burol Ni Mike Enriquez, Pinuna Ng Netizens! Julie Anne at Rita, Hindi Natuwa?!

Lunes, Setyembre 4, 2023

/ by Lovely


 Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at maging celebrities ang ginawa ng singer na si Jessica Villarubin sa burol ni Mike Enriquez.


Si Jessica Villarubin ang itinanghal bilang grand winner ng The Clash season 3, isang reality talent search show ng GMA Network.


Kasama sa pag-awit ni Jessica Villarubin sa burol ni Mike Enriquez ang iba pang Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Mariane Osabel at iba pang singers na kabilang sa Queendom.


Marami ang nakapansin na tila laban na laban si Jessica sa pagkanta tila ginawa umano niya itong sariling concert o di kaya ay nasa singing competition sa halip na magluksa dahil sa pagpanaw ni Mike Enriquez.


Isa pa sa napansin ng mga netizen ay ang pagside eye nina Rita Daniela at Julie Anne San Jose kay Jessica habang kumakanta ito.


Marami sa mga netizens ang hindi natuwa sa paraan ng pagkanta ni Jessica dahil hindi na umano ito akma sa okasyon. Dapat umano'y kalmado lamang ang pagkanta niya dahil burol naman ito.


May mga nagsasabi pang tila nawala na umano ang solemnity sa burol ni Mike Enriquez dahil sa sobrang pagbirit ni Jessica Villarubin.


Dahil sa isyung ito, naungkat maging ang nauna pang mga isyu ni Jessica Villarubin kabilang na ang pagduet nila noon ni Jessica Sanchez kung saan sinapawan rin niya ang pagbirit nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo