Dating MTRCB Chairman Dismayado Kay Lala Sotto

Lunes, Setyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Nagreact ang dating chairman ng MTRCB hinggil sa pagpataw ng 12 days suspension ng nasabing ahensya sa It's Showtime.


Sinabi ng dating chairman ng MTRCB na si Atty. Eugenio Villareal na hindi lamang ang mga artistang hosts ng It's Showtime ang naapektuhan sa pagpapasuspinde ng MTRCB kundi maging ang mga staffs at crews na maaring arawan lamang ang natatanggap na sweldo.


Ayon rito, malaking dagok para sa ordinaryong crew at staff ng It's Showtime ang ipinaratang na 12 days suspension sa show.


Matatandaan na iginiit ng MTRCB chairperson na si Lala Sotto na nilabag nina Vice Ganda at Ion Perez ang Presidential No. 1986. Nakasasaad kasi sa section 3 ang General Viewing o ang paggawa ng mga programa na angkop sa lahat ng mga manonood.


Marami rin kasi ang mga nagrereklamong mga netizens sa ginawang pagkain ni Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing na hindi na umano angkop sa gawin sa harap pa mismo ng mga bata.



Samantala, may mga naghahamon naman ngayon kay Lala Sotto na suspendihin rin ang noontime show na pinangungunahan ng kanyang ama na si Tito Sotto dahil nakagawa rin naman ito ng violation sa pagmumura ni Wally Bayola.


Gayunpaman, nanindigan at naglabas ng pahayag si Lala Sotto kung saan iginiit niyang hindi siya naging unfair sa mga noontime shows at sa katunayan ay hindi umano siya kabilang sa mga bumuto na isuspinde ang It's Showtime.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo