Dahilan Bakit Tuluyang Nasira Ang Pagkakaibigan Ni Vice Ganda at Billy Crawford

Lunes, Setyembre 11, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng mag-asawang sina Billy Crawford at Coleen Garcia ang estado ng pagkakaibigan nila ng mga dati nilang kasamahang host sa It's Showtime.


Matatandaan na naging host sina Billy Crawford at Coleen Garcia noon sa It's Showtime, umalis naman sila noong magdesisyong magpakasal at bubuo ng sariling pamilya.


Ayon kay Billy Crawford, mag komunikasyon pa naman umano sila sa isa't-isa at nakakapagbonding subalit hindi na ito katulad pa ng dati.


Inamin din niyang may gap na sa pagitan nila at hindi na sila kasing close ng dati.


Ayon sa kanila, isa sa mga dahilan kung bakit hindi na tulad pa ng dati ang kanilang pagkakaibigan ay dahil hindi na sila palaging nagkakasama hindi katulad noong nasa iisang trabaho pa lamang sila.


Samantala, hindi naman sinasara ni Billy Crawford ang pagkakataon na muling makatrabaho sa noontime show na It's Showtime.


Matatandaan na ang huling noontime show na pinangungunahan ni Billy Crawford ay ang Tropang LOL sa TV5 na nagtapos noong April 2023.


Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang tila pagkakainitan noon nina Vice Ganda at Billy Crwford matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at ang paglipat ni Billy Crawford sa TV5. 


Nagkapalitan pa sila noon ng mga patutsasa sa isa't-isa gamit ang kanilang mga social media accounts.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo