Andrea Brillantes Sinupalpal Si Rendon Labador Dahil Sa Pangingialam Nito!

Biyernes, Setyembre 1, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tila pagsagot ni Andrea Brillantes sa mga pambabanat sa kanya ng self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador.


Matatandaan na inamin ng dating nobyo ni Andrea Brillantes ang nangyaring hiwalayan nila ng actress. Dahil dito, binanatan ni Rendon Labador si Andrea Brillantes na umano'y inuuna lamang ng aktres ang paglalandi kaysa sa trabaho.


Hindi naman nangimi si Andrea Brillantes at kaagad na sinagot si Rendon Labador na talaga namang ikinatuwa ng kanyang mga fans.


Ayon sa kay Andrea, "Pinagsasabi mong career muna bago eh mas mayaman pa ako sayo??? Focus ka sa motivational rice mo."


Hindi pa rito nagtatapos ang pambabanat ni Rendon Labador kay Andrea Brillantes. Kamakailan lamang ay muling binanatan ni Rendon Labador si Andrea Brillantes nang maglabas ang young star ng vlog kung sino ang gusto niyang i-date na mga basketball players at anak ng celebrities.


Muli itong binanatan ni Rendon dahil naglalandi na naman umano ito gayung natatalo na umano ang team Pilipinas sa basketball games.


Subalit, tila muling nakarma si Rendon Labador dahil na ban ang kanyang Tiktok account at nakatanggap rin siya ng warning mula sa Facebook.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo