Vanessa Raval, Inilabas Ang Kanyang Hinanakit Sa Ibang Mga Kapatid

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Muling naglabas ng hinanakit ang social media personality na si Vanessa Raval, sa pagkakataong ito ang kanyang mga kapatid ang kanyang pinupuntirya.


Ayon kay Vanessa Raval, tanging dalawang kapatid lamang niya at ang nanay niya ang nagmahal sa kanya at iniwanan siya sa ere ng iba pang mga kapatid.


Ito'y sa kabila umano ng pakikisama niya sa iba pa niyang mga kapatid at pakikiramay sa mga ito sakaling may mga pinagdadaanan ang mga ito.


Gayunpaman, palagi na lamang umano siyang iniiwan ng mga ito sa ere sa tuwing siya naman ang nangangailangan sa mga ito.


"SA GITNA NG LABAN KO DALAWANG KAPATID KO LANG NAG MAHAL SAKIN AT NANAY KO. GANYAN KASI IWANAN SA ERE. PERO PAG KAYO LAGI AKONG ANDYAN PARA SAINYO. 


"ANO BA MERON SA RAVAL? BAT PINAG DADAMOT? MAGANDA BA IMAGE NG MGA RAVAL? WALA AKONG GINAWA NOON PA KUNDI MAHALIN KAYO. GINAWA KO BEST KO BANDANG HULI TALO NANAMAN AKO."


Nauna na rito, naglabas rin ng pahayag si Vanessa Raval hinggil sa pagtanggi umano sa kanya ng kanyang sariling ama sa kanya.


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens.


"Mahirap ipilit ang sarili natin sa mga taong ayaw talaga sa atin. Dun na lang tayo sa mga taong lubos tayong kilala at never kang iiwan kahit anong mangyari"


"ganyan talaga masakit man idol...wala tayo magagawa ang importante maraming tao ang nag mamahal satin minsan hindi pa natin kadugo ang tuturing sating tunay na pamilya...problema na nila un kung di nila un di ka tanggap....basta c l0rd ang nakakaalam ng totoo"


"Ganyan talaga palagi kang andyan para sa kanila pero walang sukli , that's the big dissapointment para sa nagmamalasakit ng totoo"


Matatandaang nasangkot sa isang kontrobersiya si Vanessa Raval nang ginawa ng mga kwento si Skusta Clee patungkol sa panliligaw umano sa kanya.


Dahil dito nakatanggap si Vanessa ng kaliwa't kanang pambabatikos maging ang pagtanggi umano ni Jeric Raval sa kanya bilang isa sa mga anak nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo