Bernadette Sembrano at Karen Davila Interview Sa First Night Ng Burol Ni Mike Enriquez

Biyernes, Setyembre 1, 2023

/ by Lovely


 Dumalaw ang ilang mga news anchor sa unang gabi ng burol ng yumaong broadcast journalist na si Mike Enriquez.


Ilan sa mga ito ay sina Bernadette Sembrano at Karen Davila. Sa isang panayam, binalikan nila ang kanilng fondest memory na hinding-hindi nila malilimutan kay Mike Enriquez.


Hindi naman nila maitatago sa kanilang mga mata ang lungkot na nadarama dahil sa tuluyan nitong paglisan.


Ayon kay Bernadette Sembrano, hinding-hindi niya malilimutan ang ingay ni Mike Enriquez dahil sa kanyang mga jokes.


Ayon naman kay Karen Davila, hinding-hindi umano niya malilimutan si Mike Enriquez dahil sa ito umano ang unang naka partner niya bilang news anchor at nagkasama umano sila ng limang taon sa programang Saksi.


"Hindi lang siya co-anchor sa akin, si Mike is always a friend, napakadali niyang kasama. Wala siyang yabang, palagi siyang nagpapatawa."


Nagbigay rin siya ng mensahe para kay Mike Enriquez.


"Mike, all I can tell you right now is we fell the lost in the industry. You made so many friends, we love you. And I know you're in heaven right now. You're just so valued."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo