Andrea Brillantes, Naging Emosyonal Sa Mensahe Sa Kanya Ni Sylvia Sanchez

Biyernes, Setyembre 1, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigil ng young actres na si Andrea Brillantes ang kanyang emosyon dahil sa pagbibigay ng sweet message sa kanya ni Sylvia Sanchez.


Sa naganap na press conference para sa kanilang panibagong teleserye na pinamagatang Senior High, nagbigay ng heartfelt message si Sylvia Sanchez para kay Andrea Brillantes.


Bukod sa pagpuri niya sa angking galing ni Andrea Brillantes sa pag-arte, pinagdiinan din ni Sylvia na mas maganda umano si Andrea kaysa sa ibang kabataan na kasabayan niya na nakatrabaho din niya noon.


Bagama't wala namang ibinigay na pangalan si Sylvia Sanchez kung sinong batang artista ang kanyang tinutukoy, hinala ng marami na si Francine Diaz ito.


Samantala, pinayuhan din ni Sylvia si Andrea na palaging maging mapagpakumbaba sa lahat ng oras at magtiwala lamang sa Diyos at sa sarili.


Habang sinasabi itong lahat ni Sylvia Sanchez, hindi naman mapigil ni Andrea Brillantes ang kanyang emosyun at napapaluha siya dahil ramdam na ramdam niya ang pahayag ni Sylvia.


Lalo na sa pangako ni Sylvia na nasa sa likod lamang ni Andrea ang Atayde Family.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo