Pagiging Agresibo Ni Awra Briguela Sa Lalaki Kuhang-Kuha Sa CCTV Footage

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


 Kitang-kita ngayon sa mga kumakalat na video at CCTV footages ang tila pagiging agresibo ni Awra Briguela sa mga lalaki sa loob ng isang bar.


Ang mga CCTV footages din umanong ito ang ibinigay ng complainant sa mga pulis bilang ebidensya sa pagsasampa ng kaso.


Pinabulaanan naman ito ng mga kaibigan ni Awra at may nagsabi pang siya umano ang ipinagtanggol ni Awra dahil hinipuan at binastos umano siya.


Subalit sa mga kumakalat na video, kapansin-pansin na si Awra talaga ang tila naging agresibo at pilit pang pinaghuhubad ang lalaki.


Kahit inaawat na ng mga bouncer ng bar at ng mga kaibigan niya ay hindi pa rin nagpapigil si Awra, sinundan at kinompronta sa labas ng bar ang complainant na si Mark Christian Ravana.


Doon na nangyari ang pagrarambulan nila hanggang sa madala na nga sa estasyon ng mga pulis si Awra at tuluyan nang masampahan ng kaso at makulong.


Tila pinatunayan naman ng nasabing video ang naging pahayag ng naging pahayag ng complainant na si Awra ang naunang nagwala dahil hindi nila pinagbigyan ang kahilingan nito na maghubad sila.


Samantala, sinegundahan naman ng mga video at CCTV footages na ibinahagi ng isa pang social media personality at businessman na si Xian Gaza.


Hindi naman namataan ang sinasabing babae na ipinagtanggol ni Awra bagkus, ang tanging makikita sa video ang tila pamimilit nito na makita ang katawan ng lalaki.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo