Zeinab Harake Binati Si Ray Parks Nitong Father's Day, Nagpaka Ama Sa Kanya!

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely


 Binati rin ni Zeinab Harake ang kanyang partner na  si Ray Parks nitong Father's Day dahil sa pagpapakatatay umano sa  kanya.


"Happy Father's Day din sa partner kong nagpapakatatay para sa akin.. thank you @ray parks," caption ni Zeinab sa kanyang Instagram stories kalakip ang larawan nilang magkayakap.


“Sa mundong meron ako sa dami ng dinadala ko hindi pwedeng hindi ako baby minsan at salamat sa dyos kasi binigyan nya ko ng partner na hindi na papa-sakitin yung ulo ko pagdating sa mga walang kwentang bagay at mag papaunawa sakin ng dapat kong gawin.


"Best father ka sa dog mo kay (rj) at sakin. Alam ko soon sa future kids mo [rin] kasi mabuti kang lalaki at may paninindigan ka sa buhay,” dagdag pa ni Zeinab.


Agad naman itong sinagot ni Ray Parks at pinasalamatan si Zeinab Harake. Inamin din nito na talagang kinilig siya sa ginawa ni Zeinab.


“Grabe Bel, sobrang na-touch ako at kinilig ng slight.” 


"I love you," sagot ni Ray Parks at ni-repost ang Instagram stories ni Zeinab.


Matatandaan na kamakailan lamang ay inamin nina Zeinab Harake at Ray Parks ang totoong estado ng kanilang relationship. Kasunod nito ang pagtawag kay Zeinab ng kabit ng isang babae na na-link noon kay Ray Parks.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo