Iza Calzado Humalakhak Sa Ginawa Ng Asawa Sa Kaniyang Harapan!

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagpahuli ang actress na si Iza Calzado sa pagbabahagi ng video at mensahe para sa kanyang mister ngayong Father's Day.


Marami naman ang natuwa sa ibinahaging video ni Iza Calzado kung saan sinasayawan niya ang kanilang anak ni Iza na makikita namang tuwang-tuwa sa ginagawa ng ama.


Bukod sa pagsayaw, kinakantahan din niya ito ng Pilipino song na Tungtong Tong Pakitong-kitong. Subalit, dahil hindi naman kabisado nito ang nasabing awitin kaya tanging tono na lamang ang ipinapalabas nito.


Hindi naman napigil ni Iza Calzado ang mapahalakhak sa tuwa sa ginagawa ng kanyang mister.


Sa pagbabahagi ni Iza sa nasabing video, ipinapahayag niya ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang asawa. Makikita pa sa video kung gaano kasaya ang kanilang munting pamilya.


"A true testament to the lengths you’d go just to make your family happy. You saw how much this song made Deia happy whenever I would sing it to her so you learned it for us. 🦀


"Thank you for working hard to give us the future you believe we deserve. It’s an honor to witness you become a better father, husband and man everyday. We love you and your singing and dancing skills! 🥰😝❤️


"Happy Father’s Day, @benmwintle"


Ang paghagikhik ni Iza Calzado ay nagpapahiwatig lamang na talagang masaya siya sa piling ng asawa.


Samantala, marami naman ang nagsasabing naiinspire sila sa tinginan nina Iza Calzado at ng kanyang asawa at kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't-isa.


"Nakakahappy!!!!!! pwede mag request kay Ben? Pwede po Chuva choo choo!"


"Bahay Kubo next!!! Happy Fathers Day @benmwintle!!!"


"So glad ben still dances the same"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo