Xander Ford, Knockout Agad Sa Boxing Match Nila Ni MakaGwapo!

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely


 Naganap na sa wakas ang hinihintay na boxing match ng dalawang social media personality na sina Xander Ford at Christian Merck Grey.


Matatandaan na hinamon ni Christian Merck Grey si Xander Ford ng isang boxing match upang doon nila i-settle ang kanilang hindi pagkakaunawaan.


Nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa nang madismaya si Xander Ford dahil hindi kaagad naibigay ni Christian Merck Grey ang umano'y ipinangako nito sa kanyang anak sa pagpapabinyag.


Mariin namang iginiit ni Christian Merck Grey na kailanman ay hindi siya nangako kay Xander Ford na magbibigay ng malaking halaga. Gayunpaman, upang matigil na ang pagrarant at paniningil ni Xander sa social media.


Subalit, ilang araw lamang ay muli na naman itong nag-iingay sa social media dahil sa pagpopost ng video ni Merck sa pagbibigay niya rito ng pera.


Muli na namang pinagbibintangan ng kung ano-ano ni Xander Ford si Merck Grey. Ipinahayag pa ni Xander na si Merck ang dahilan ng pag-aaway nila ng kanyang partner.


Kaya naman nagpasya na ang dalawa na maghaharap sa boxing ring sa Battle of the Youtubers upang mailabas ang inis sa isa't-isa.


"Ready na ako sa Sunday. Gusto ko lang sabihin sa'yo Merck na hindi ko na kailangan pang mag-training nang sobra. Ito lang sapat na sakin," pahayag noon ni Xander Ford.


"Sana kumasa ka Merck, hindi ako natatakot sa mga pinapakita mo sa social media. Kahit ilang rounds papalagan kita," dagdag pa ni Xander.


Agad namang pinayuhan ng mga netizens si Marlou aka Xander Ford na huwag nang ituloy ang laban nila ni Merck dahil nag-aalala ang mga ito sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sumailalim noon si Marlou sa plastic surgery.


Samantala nitong June 18, linggo naganap na nga ang paghaharap ng dalawa. Subalit hindi man lang tumagal ang kanilang match dahil kaagad na na knock-out o hinimatay si Xander Ford sa round 2 pa lamang.


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon ng mga netizens. Marami ang natatawa kay Xander dahil sa maagang pagbagsak nito sa kabila ng kanyang kayabangan.


Marami naman ang nakapansin na tila scripted lamang ang ginawa ng dalawa kahit pa sa kanilang boxing match.


May pa slow motion pa umano ang pagbagsak ni Marlou na halatang pinagpraktisan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo