Xyriel Manabat Nagparetoke Ng Ilong! Ang Ganda Niya!

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na larawan ng Dirty Linen actress na si Xyriel Manabat.


Kapansin-pansin umano ang tila malaking pagbabago sa mukha ni Xyriel Manabat. Bukod sa pagiging fresh looking ay nagmukha nang mas mature si Xyriel kumpara sa dating niyang itsura na mas mukhang bata at mala-teenager ang pa ang dating.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang larawang ito ng aktres. Marami ang nagsasabing nagpagawa ito ng ilong upang mas maenhance pa ang ganda nito.


Gayunpaman, hindi pa rin maiwasan na may mga taong nambabash rito, ayon sa kanila bakit kailangan pang magparetoke ni Xyriel gayung hindi naman umano ito kailangan dahil dati na siyang maganda.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Xyriel ang lalo pang nagandahan sa kanya ngayon. Pinayuhan din nila ang aktres na huwag na lamang pansinin ang mga bashers.


Ipinunto pa ng kanyang mga fans na walang masama sa kanyang desisyon dahil nakakatulong naman umano ito sa kanyang trabaho. As long as wala siyang tinatapakang tao sa kanyang pagpapaganda.


Samantala, hindi pa nagbibigay ng official statement si Xyriel Manabat patungkol sa kanyang pagpaparetoke.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo