GMA7 Nilaglag Ang Jalosjos! Naisahan Sa Plano! Tape Inc. Labis Ang Pagsisisi!

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Tila naisahan umano ang TAPE Inc. ng GMA7 ng pinatuloy nila sa kanilang subsidiary channel ang dating katapat ng Eat Bulaga sa TV5 na It's Showtime.


Ito rin ang paniniwala ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin. Tila hindi umano inakala ng mga Jalosjos na siyang namumuno ngayon sa TAPE Inc. na ang dating number one competitor nila ay magiging kabakuran na nila.


Pakiramdam umano ngayon ng TAPE na nilalaglag sila ng GMA7.


Sa kamakailan episode ng kanilang YouTube vlog, ipinahayag ni Manay Cristy Fermin na talagang maaapektuhan ang Eat Bulaga ng mga Jalosjos sa desisyong ito ng GMA7 lalo pa't magkatulad pa rin sila ng timeslot ng It's Showtime.


“Hindi mo aakalain na ‘yung naganap na rigodon may inside job. Hindi akalain ng mga Jalosjos na eh hindi naman pala Tito, Vic and Joey and kalaban natin eh, dito pala sa loob mismo ng bakuran eh, ipinangsabong sa atin. Parang naisahan kami!” prangkang pahayag ni Manay Cristy Fermin.


Maging ang ilang mga Kapuso fans ay hindi rin makapaniwala sa ginawang desisyon ng GMA7 hinggil sa pagkuha sa It's Showtime. Marami rin ang naniniwalang maari ngang palitan ng It's Showtime ang Eat Bulaga sa GMA7.


“Hindi po namin maintindihan sa totoo lang kahit mga kapwa Pilipino na nakakausap namin hindi nila makuha-kuha ang punto kung bakit tinanggap ng GMA-7 sa kanilang GTV ang ‘It’s Showtime’ para makalaban sa umuupa sa kanilang bahay.”


“Parang sila mismo ang naglagay ng makakalaban,” dagdag pa ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo