Vice Ganda Gustong Maging Guest Sa Programa Ni Jessica Soho Sa GMA

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Sa pagtatrabaho ngayon ng Unkabogable Star na si Vice Ganda under GMA7 dahil sa pagpapalabas ng It's Showtime sa GTV, hindi napigil ng ilang netizens na ma-curious kung magkakatagpo ba sila ng journalist na si Jessica Soho.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging mainit ang isyu nang pang-ookray ni Vice Ganda noon kay Jessica Soho kung saan ikinumpara nito si Jessica sa isang lechon.


Agad namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Jessica Soho at ipinuntong nagbibiro lamang siya. Inamin din ni Vice na tila sumubra nga ang kanyang biro.


Agad naman itong sinagot ni Jessica Soho sa pamamagitan ng isang statement.


“I acknowledge the public apology given by Vice Ganda, by way of his TV program. I sincerely hope and pray that this was done with the purest intentions and determination to put this issue behind us.”


Samantala nitong June 28, 2023, naganap na ang contract signing sa pagitan ng dalawang malaking networks na ABS-CBN at GMA sa pagpapalabas ng It's Showtime sa isang subsidiary channel ng GMA7, sa GTV.


Sa naganap na contract signing, ipinahayag ni Vice Ganda na makikita siya sa ilang mga GMA shows para sa promotion ng kanilang show.


Ipinahayag din ni Vice Ganda, na may isang partikular siyang programa na nais niyang mapuntahan.


“Napag-usapan namin ni Tita Cory, kasi siyempre magpu-promote. Sabi ko, meron lang akong request, since maggi-guest tayo sa ibang GMA shows, puwede ko bang i-request na mag-guest ako sa programang ito. Gusto ko lang lumabas sa programang ito, kung uubra lang,” saad ni Vice Ganda.


Bagama't hindi naman tinukoy ni Vice Ganda ang partikular na programa na nais niyang mapuntahan, hinuha ng mga netizens na ito'y walang iba kundi ang programa ni Jessica Soho.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo