Xander Ford, Pumalag Sa Paninirang Puri Umano ni Merck Sa Kanya

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang sumagot ang social media personality na si Xander Ford sa aniya'y paninirang puri ni Christian Merck Grey sa kanya.


Matatandaan na pinayuhan ni Christian Merck Grey si Xander Ford na magparehab kasunod ng mga pagbibintang nito sa kanya na naging sanhi umano sa hiwalayan nila ng kinakasamang si Gena Mago.


Ayon kay Xander Ford, paninirang puri ang ginagawa ngayon ni Merck sa kanya dahil ipinalalabas umano nitong isa siyang adik. Kaya naman tinatanggap niya na ang hamon nitong magpa drugtest siya.


Tiyak umanong mapapahiya lamang si Merck Grey sa magiging resulta ng test. Kaya naman, panawagan ni Xander Ford na ipadala na sa kanya ang 100, 000 at padalhan rin siya nito ng kotse para sa kanyang pagpapadrugtest.


"Akin na yung P100,000. Tapos padalhan mo ako ng kotse mo kasi alam ko naman marami meron kang driver. Pupunta ako mismo," pahayag ni Xander.


Dagdag pa ni Xander Ford, "Hindi ko alam kung anong meron sa'yo ba't ganyan ka. Hindi mo alam na paninirang-puri na yang ginagawa mo sa akin. O sige, bukas. Hihintayin kita Christian Merck Grey, Ipadala mo yan Christian Merck Grey dahil sobra na yan hindi na tama yang mga ginagawa mo."


Nag-ugat ang isyu sa pagitan nina Xander Ford at Christian Merck Grey nasunod-sunod na nagrant sa social media itong si Xander Ford dahil sa hindi umano pagtupad ni Christian Merck Grey sa pangako nitong magbibigay sa kanilang ng 349 thousand para sa pagpapabinyag niya sa kanyang anak.


Nang ibinigay na ni Christian Merck ang pera kay Xander, inamin mismo ni Xander na wala naman pala talagang ipinangakong pera si Merck sa kanya na siyang naging dahilan ng pagrarant na naman niya ngayon kung bakit nagpost pa ng video si Merck.


Samantala, patuloy na binabatikos ngayon si Xander Ford dahil sa kakapalan ng mukha nito at sa patuloy na panghuhuthot umano kay Merck Grey.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo