Rendon Labador Muling Kinoll-Out Si Paolo Contis Sobrang Tigas Na Ng Mukha

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naglabas ng panibagong video ang motivational speaker na si Rendon Labador kung saan muli niyang binatikos ang bagong Eat Bulaga host na si Paolo Contis.


Muling binatikos ni Rendon Labador si Paolo Contis sa pagiging irresponsableng ama nito sa kanyang mga anak sa dating karelasyon nito na sina LJ Reyes at Lian Paz.


Ayon pa kay Rendon, maiintindihan sana niya si Paolo Contis sa hindi pagbibigay ng sustento sa mga anak kung isa itong jobless man, subalit dahil may trabaho naman ito ay hindi na umano niya mawari ang katigasan ng mukha nito.


Nilinaw din ni Rendon Labador ang kanyang pahayag noon patungkol sa pag-iwan ng pamilya.


“Sinabi kong iwan ang pamilya, pero hindi ko sinabi na iwan ang sustento. Hindi ka na nakuntento, hindi ka nag-iwan ng sustento. Mahirap sayo puro ka comedy, pati tuloy buhay mo comedy.”


“Tayong mga lalake dapat hindi natin iniiwan ‘yung mga responsibilidad natin. Sa lahat ng mga lalake diyan, ang kakapal ng mga mukha niyo, sustentuhan niyo ang mga anak niyo,” pagpapayo ni Rendon Labador sa lahat ng mga kalalakihan.


Ipinahayag rin ni Rendon ang kanyang damdamin sa mga anak ni Paolo Contis na aniya'y inabandona nito dahil sa katigasan ng pagmumukha.


Pagpupunto pa ni Rendon, maaring iwan ang isang relasyon kapag sobrang toxic na nito, subalit dapat gawin muna ang lahat ng efforts sa pagsasalba nito.


“Hindi ko maisip kung ano ang rason ni Paolo Contis sa mga ginagawa niyang aksyon, ang tigas talaga ng mukha niya.”


Matatandaan na nauna nang inamin ni Paolo Contis sa isang panayam ang hindi niya pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo