Herlene Budol Pandagdag Na Host Ng Bagong Eat Bulaga Kasama Si Isko Moreno

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely


 Isa sa mga naging paksa ng talakayan nina Manay Cristy Fermin sa isang episode ng Cristy Ferminute nitong June 9, 2023 ang panibagong host ng Eat Bulaga.


Ayon sa pagsisiwalat ni Manay Cristy Fermin, nakarating sa kanya mula sa kanyang mga spource na may dalawa pang host na madadagdag sa kasalukuyang host ngayon ng rebranded Eat Bulaga.


Ang dalawang ito ay tinuturong sina Isko Moreno at Herlene Budol na kilala rin bilang si Hipon Girl.


"Pangdagdag ng host ng Eat Bulaga ng TAPE Inc. si dating Mayor Isko Moreno at si Hipon Girl, si Herlene Budol," saad ni Manay Cristy Fermin.


Agad namang nagreact si Romel Chika at sinabing tiyak na madadagdagan naman ang mga ibabash ng mga netizens na hindi matanggap na nagbago na ang Eat Bulaga.


Ipinunto rin ni Manay Cristy Fermin na mababash na namang muli si Isko Moreno gayung hindi pa gaanong humuhupa ang pambabatikos sa kanya dala ng pagkabigo noong 2022 elections.


"Hindi pa man halos nakababawi si dating mayor isko moreno sa pagpapaligo sa kanya ng kanegahan nung nakaraang eleksyon, nung natalo siya, eto na naman mabubuhay na naman ang bashing," ani Cristy Fermin.


"Panigurado iyan, iba-bash si dating Mayor Isko Moreno at itong si Herlene. Naku maniwala ka, kakain sila ng agahan, tanghalian, hapunan, pati midnight snack, puro bashing iyan," pahayag pa ni Cristy Fermin.


Bagama't hindi naman nila nagugustuhan na may nababash, nilinaw nina Manay Cristy na hindi nila hawak ang mga isip ng bawat isa.


Sa kabilang banda, tila nagpahiwatig na si Dating Mayor Isko Moreno na magiging regular host siya ng Eat Bulaga matapos ang pagiging guest host niya rito noon June 10, 2023.


Sa kabilang banda, hindi pa tiyak kung totoo nga bang magiging host si Herlene Budol sa nasabing show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo