Liza Soberano Nilinaw Na Hindi Sila Naghiwalay Ni Enrique Gil

Miyerkules, Hunyo 21, 2023

/ by Lovely


 Tila pinabulaanan na nina Liza Soberano at Enrique Gil ang isyung naghiwalay na sila nang tuluyan dahil sa pangarap ni Liza Soberano na matagumpay na sumikat bilang Hollywood actress.


Matatandaan na naiulat noon ng ilang mga kilala showbiz insider at showbiz columnist ang umano'y tahimik na hiwalayan nina Liza Soberano at Enrique Gil dahil naging tahimik na sila at hindi na rin binabanggit ni Liza Soberano ang pangalan ng nobyo sa kanyang mga naging interviews.


Maging ang dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ay ibinalita na ring nagbreak na ang dalawa.


Samantala, tila muling pinabulaanan ng mga kaibigan ni Liza Soberano ang bali-balitang ito dahil kamakailan lamang ay inupload ng isang common friend nina Liza Soberano at Enrique Gil ang mga larawan kung saan nakasama nila ang couple sa ilang pagtitipon.


Spotted din si Enrique sa ilang mga family gatherings nina Liza Soberano na noon pa man ay palagi nang nakakasama si Enrique Gil.


Subalit, may nakapansin namang mga marites na tila cold umano ang dalawa sa mga photos nila ngayon. Tila nau-awkwardan na umano ang mga ito sa presensya ng bawat isa.


May mga nagpunto rin na hindi nila nakitang umakbay si Enrique sa nobya o kahit naghawak kamay lamang sana umano ang mga ito na dati na naman nilang ginagawa.


Gayunpaman, pagtatanggol ng LizQuen fans, nagiging lowkey lamang umano ngayon sina Enrique at Liza sa kanilang relasyon upang hindi maapektuhan ang showbiz career ni Liza na ini-establish sa Hollywood.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo