Vice Ganda Pang Asar Na Mensahe Sa Fake Bulaga Ng Mga Jalosjos

Huwebes, Hunyo 15, 2023

/ by Lovely


 Agad na nagreact ang Unkabogable Phenominal Star na si Vice Ganda sa pagkakapanalo nila laban sa Eat Bulaga ng mga Jalosjos sa GMA7.


Kamakailan lamang ay nagdiriwang ang buong It's Showtime hosts  at ang lahat ng mga Madlang Pipol dahil sa wakas ay nalamangan nila ang Eat Bulaga sa ratings.


Nauna nang naiulat ang unti-unting pagtaas ng ratings ng It's Showtime at ang unti-unting pagbaba naman ng ratings ng Eat Bulaga mula nang umalis ang legendary trio na TVJ.


Matatandaan na noong June 5, 2023 unang umere ang rebranded Eat Bulaga kasama ang mga bagong hosts nito na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro, Mavy at Cassy Legaspi.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, noong hindi pa umalis ang TVJ at iba pang Eat Bulaga host ay umaabot hanggang 7.5 percent ang ratings ng show at hindi bumababa sa 7 percent. Nasa 2.5 hanggang 2.8 naman ang ratings ng It's Showtime.


Samantala, isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit bumababa ang ratings ngayon ng Eat Bulaga ay ang natatanggap nitong pambabatikos at kritisismo mula nang umalis ang dating mga hosts nito kabilang na ang TVJ.


Labis naman ang nararamdamang saya ngayon ng mga It's Showtime hosts at ng mga madlang pipol sa pagkakaroon nila ng matataas na ratings.


Hindi rin nakalimutan ni Vice Ganda  ang pasalamatan ang lahat ng mga madlang pipol na sumusuporta sa kanilang show at walang sawang nanonood sa kanila sa tuwing sasapit na ang tanghalian.


Bagama't tahimik ang mga It's Showtime host sa naging isyu ng Eat Bulaga, sa pagitan ng TAPE Inc. at TVJ tila nakikiramdam sila sa kung ano ang susunod na mangyayari sa katapat nilang show at ng TVJ na nasa Kapatid network na rin.


Sa kabilang banda, curious naman ang ilang mga netizens sa kung ano ang mangyayari ngayon sa Itt's Showtime gayung nasa TV5 na ang TVJ.


Marami ang kinakabahan dahil sa lumabas na balitang ililipat sila ng timeslot ng TV5 upang bigyang lugar ang show ng TVJ.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo