Rendon Labador, May Masakit Na Sinabi Kay Kakai Bautista

Huwebes, Hunyo 15, 2023

/ by Lovely


 Umani ng samu't-sariing reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging pahayag ni Kakai Bautista patungkol sa kung ano ang mas mahalaga sa kanya, lalaki o pera.


Sa kanyang pahayag, pinagdiinan ni Kakai Bautista na hindi niya kailangan ng lalaki sa kanya buhay dahil mas mapapaligaya umano siya ng pera.


“Minsan gusto din talagang lumandi at mamansin ng lalake pero kapag naiisip ko yung mga bayarin, gusto ko pang ma-achieve para sa sarili ko, NAGIGISING ako sa KATOTOHANANG di ko kailangan ng LALAKE para sumaya. KAILANGAN ko PERA,” pahayag ni Kakai.


Naglagay naman si Kakai ng disclaimer sa kanyang post kung saan pinagbawalan niya sa rito ang mga taong hindi nabubuhay ng walang lalaki. Gayunpaman, marami pa rin ang nagreact sa kanyang post.


Kabilang sa mga nagreact sa pahayag ni Kakai ay ang social media personality at motivationa speaker na si Rendon Labador, kung saan ipinahayag niyang mukhang pera si  Kakai sa kabila ng pagiging pangit nito.


"Hindi ka na nga maganda, mukha ka pang pera," maanghang na pahayag ni Rendon Labador.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na binanatan ni Rendon Labador si Kakai Bautista. Tinawag ni Rendon na laos na si Kakai Bautista.


Agad naman itong sinagot noon ni Kakai at sinabing dapat nang magpatingin sa Doctor si Rendon Labador dahil sa pagsasabi nitong nalampasan na nilang mga influencer ang mga artista at sinabing ang mainstream ngayon ay ang social media na.


Humingi naman ng paumanhin noon si Rendon kay Kakai Bautista, subalit hindi umano niya binabawi ang kanyang naging pahayag dahil may katotohanan naman ito.


“Kakai Bautista Pasensya na kung nasaktan kayo sa mga sinabi ko. It’s not my intention to disrespect you or yung mga narating ninyo sa buhay. Masakit na katotohanan lamang na laos na kayo. Pina muka ko lang sa inyo yung totoong nangyayari ngayon,” saad ni Rendon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo