Kim Chiu, Sumalang Bilang Star Patroller, Trending Agad Agad!

Huwebes, Hunyo 15, 2023

/ by Lovely


Agad na nagtrending sa Twitter ang aktres na si Kim Chiu matapos ianunsyo na si Kim Chiu ang magiging Star Patroller sa gabing ito ng TV Patrol.


Ibinahagi din ang balitang ito sa social media post ng Dreamscape Entertainment kung saan inaanyayahan nila ang lahat na abangan si Kim Chiu sa TV Patrol ngayong June 15, 2023.


Agad naman itong pinag-usapan sa Twitter kung saan ipinahayag ng mga fans ni Kim Chiu ang kanilang excitement dahil masisilayan na naman nila ang kanilang idolo bilang Star Patroller ng TV Patrol.


Samantala, ipinahayag naman ng ilang mga fans ng aktres na hindi ito ang unang pagkakataon na magiging Star Patroller ang tinaguriang Chinita Princess kundi ikalimang beses na.


Agad naman itong sinagot ni Kim ang ipinahayag rin ang kanyang excitement sa paghahatid ng magandang balita sa TV Patrol.


"Really pang 5 ko na pala. exciting! See you later!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo