Matapos ang ilang buwan na pagiging suspended, naglabas na ng desisyon ang Supreme Court kung saan tuluyan na nilang tinanggalan ng pagka-abogad si Larry Gadon.
Ayon sa inilabas na statement ng Supreme Court, tuluyan nilang dini-disbarred si Larry Gadon dahil sa kanyang mga ipinahayag na mga negatibong komento laban sa journalist na si Raissa Robles na kinumpara pa niya sa isang aso.
Tila nalimutan na umano nito na ang isang lawyer ay dapat umiwas sa anumang mga scandalous behavior.
"By a unanimous vote of 15-0, the Supreme Court, resolved to disbar Atty. Lorenzon 'Larry' Gadon for the viral video clip where he repeatedly cursed and uttered profane remarks against Raissa Robles.
"The Court had motu proprio taken cognizance of vthe video clip and issued an earlier order of preventive suspension from practice of law against Gadon pending a judgement in the case."
“The Court pointed out that Gadon, unfortunately, failed to realize that lawyers are expected to avoid scandalous behavior, whether in their public of private life.”
Binanggit din ng Supreme Court sa kanilang statement ang iba pang ginawa ni Larry Gadon na nagresulta sa kanyang pagkakasuspinde ng ilang buwan, kabilang ang anim na administrative cases na isinampa laban sa kanya sa Office of the Bar Confidant at 4 sa Commission on Bar Discipline of the Integrated Bar of the Philippines.
Sa kabilang banda, bago inilabas ng Supreme Court ang desisyon na i-disbar si Larry Gadon ay na-appoint na ito ni Pang. Ferdinand 'Bongbong' Marcos sa Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
Matatandaan na bagama't hindi pa inilalabas ng Supreme Court ang hatol kay Gadon marami na ang nag-oppose sa pag-appoint ng Pangulo rito.
Samantala, hinihintay pa rin kung ano ang magiging tugon ni Larry Gadon sa desisyon ng Supreme Court na i-disbar siya dahil sa kanyang mga binitiwang pahayag laban kay Raissa Robles.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!