Ricci Rivero Nagsalita Na Sa Isyung May Dinala Siyang Babae Sa Kanyang Tirahan

Lunes, Hunyo 26, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon, naglabas na ng pahayag ang basketball star na si Ricci Rivero hinggil sa nangyaring hiwalayan nila ng actress na si Andrea Brillantes.


Sinagot din ni Ricci ang isyu tungkol sa nadatnan umanong babae ni Andrea sa loob ng kanyan unit.


Ayon kay Ricci, ilang beses niyang sinabi at ipinaliwanag kay Andrea na hindi siya ang nagdala ng babaeng iyon kundi ang isang kaibigan niya. Hindi rin umano niya alam na may kasama pala itong babae sa pagpunta sa kanyang bahay.


“Ang cause ng breakup, yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl dun sa place ko. Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses.”


“Sinabi ko sa kanya with all the evidences I have na hindi sa akin yung girl. May papuntang friend akong midnight tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Yun ang inabutan niya,” paglilinaw ni Ricci.


Sinabi rin ni Ricci na noong nakaraang buwan ng Abril pa hindi maayos ang kanilang relasyon. Sa katunayan ay nag-cool off sila sa panahong iyon. Buwan ng Mayo naman ng tuluyan silang maghiwalay.


Matatandaan na nagkaroon ng samu't-saring speculations ang mga netizens sa napapabalitang babae ni Ricci Rivero. May mga naghinala pang beki ang dahilan ng naging hiwalayan ng dalawa.


Sa kabilang banda, nilinaw naman ni Ricci na maayos naman ang naging hiwalayan nila ni Andrea. Mutual decision din umano nila ang tuluyang paghihiwalay.


Samantala narito naman ang komento ng ilang mga netizens.


"Wala tayong karapatan mang husga sa relasyon nila. Sila lang may nakaka alam."


"He protect andrea pa rin sa interview na to, ayaw niya sabihin lahat ng nangyare talaga sa kanila. Talagang may problema na relasyon nila, na sila lang ang nakakaalam. Hindi natin alam ang totoong nangyyare."


"Malambot magsalita si ricci parang gayish, maybe it’s the reason for the breakup kasi hindi pala keps ang gusto ni ricci kundi hotdogs"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo