Vice Ganda Inulan Ng Batikos Matapos Lumipat Ang It'S Showtime Sa GTV Ng GMA7

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Agad na naglabas ng isang open letter ang It's Showtime host na si Vice Ganda matapos ang kumpirmasyon ng ABS-CBN na lilipat na ang kanilang show sa isang subsidiary channel ng GMA7.


Kinumpirma ito mismo ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang official statement, kung saan ipinahayag nila ang kanilang pasasalamat at appreciation para sa TV5.


Nakasaad din sa kanilang statement na lilipat sila sa GTV upang makakuha ng gusto nilang timeslot dahil inilipat sila ng TV5 sa afternoon timeslot.


Ito'y kasunod nang pagbibigay sa kanilang kasalukuyang timeslot ngayon sa show ng legit dabarkads na kamakailan lamang ay lumipat sa TV5.


Samantala, mapapanood pa rin ang It's Showtime sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z, IWant at TFC at TV5. Subalit, hanggang June 30 na lamang sila dahil magtatapos na ang kanilang kontrata rito.


Gayunpaman, mapapanood naman ang It's Showtime sa GTV mula July 1 sa kaparehong timeslot nila ngayon.


Kasunod nito, kaagad na naglabas ng pahayag si Vice Ganda para sa kanyang mga kasamahan na nabibilisan at nalilito sa pangyayari.


“Dear It’s Showtime family, alam kong nagulat kayo. Naguguluhan. Natatakot. Nalulungkot. Naiiyak. Haaaaay! Hingang malalim. May kaguluhan at kabilisan ang mga ganap. Ganunpaman, kalma lang (at least try).”


“Nakakabigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, ‘Basta’t kasama Kapamilya, kahit ano pa ‘yan kayang-kaya!’


“Sa dami ng mga pinagdaanan natin, kering keri na natin ‘to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang to!”


"“At ang pagmamahal a yun ang bumuhay satin sa bawat paghihingalong naranasan noon. Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin.”


“Maniwala ka, ‘Ituloy lang ang sikap, sa dulo’y kikislap!’ Sa oras ng iyong panghihina at pagkalito ay sasamahan kita. Bubuhatin natin ang isa’t isa."


“Itataguyod kahit anong pagod. ‘Di kita iwan. Pahirin mo ang yong luha. Itutuloy natin ang saya. Dito at doon. Damhin mo ang mahigpit kong yakap. Mahal na mahal kita!”


“Life is fascinating and makes you grateful. When it takes one thing from you it always replaces it with something else.”


Samantala, hindi pa rin nakakaligtas si Vice Ganda sa mga pambabatikos ng ilang mga netizens.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo