Bubble Gang Ni Michael V. Ililipat Ng GMA Network Sa Linggo! Mga Cast Papalitan Ng Mga Vlogger!?

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


Marami sa mga netizens ang hindi nakapaniwala sa nangyaring pagkakapalit ng networks ng dati pang magkatapat na show na It's Showtime at ang show ng legit dabarkads.


Dahil sa pangyayaring ito, nagkagulo ang mga timeslots ng ilan pang shows sa TV5 at GMA7.


Matatandaan na tinanggihan lamang ng It's Showtime ang ibinigay sa kanilang panibagong timeslot ng TV5. Lumipat naman ang It's Showtime sa subsidiary channel ng GMA7 na GTV.


Samantala, usap-usapan naman ngayon na ililipat naman ng GMA Network ang timeslot ng show ni Michael V. na BubbleGang.


May napansin kasi ang ilang mga netizens sa kamakailang trailer na ibinahagi ng GMA patungkol sa gag show na BubbleGang.


Mababasa sa inilabas na trailer ang mga katagang.


"May lilipat"


"Goodbye, friday!"


"Hello, sunday!"


"SUN ka punta?"


"Chewing soon"


Tila ang BubbleGang nga ang tinukoy ng GMA dahil sa tuwing friday lamang ito umiere.


Subalit, ang mas ikinagulat ng lahat ay ang balak umano ng GMA na palitan ang mga cast  ng Bubblegang ng mga vloggers.


Si Michael V na lamang umano ang matitira sa mga original hosts ng nasabing show. Mananatili naman umano sa cast sina Paolo Contis, Charice Solomon, Betong Sumaya.


Usap-usapan din kung sino ang vlogger na idadagdag sa show. Ayon sa aming nakalap na impormasyon na si Zeinab Harake ay kabilang sa mga madadagdag na cast ng BubbleGang.


Nag-ugat ang usaping ito nang ibahagi ni Zeinab sa kanyang Instagram stories ang isang contract signing kasama ang mga GMA executives.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo