Studio Ng TVJ Sa TV5 Handang-Handa Na Buong Cast Nagpamisa

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Handang-handa na ang studio ng TVJ sa TV5 sa kanilang pagbabalik sa ere sa darating na July 1, 2023. Base sa ibinahaging larawan ng mga legit dabarkads sa kanilang Facebook page nitong June 29, makikitang na halos kumpleto na ang preparation sa kanilang studio.


Marami na rin ang nag-aabang sa pag-uumpisa ang show ng mga legit dabarkads lalo pa't nauna nang ipinahayag ng mga ito na may maraming surpresa at papremyo ang ibibigay sa kanila.


Samantala, base sa ibinahaging update ng mga legit dabarkads makikitang naisagawa na rin ang unang mesa sa kanilang studio bilang pasasalamat at paghiling ng gabay sa kanilang panibagong journey sa pagbabalik nila sa telebisyon.


Kumpleto naman sa nasabing event ang mga legit dabarkads kasama ang kani-kanilang pamilya upang ipakita ang pagsuporta sa kanila.


"TVJ and the Legit Dabarkads during the mass and blessing of our new home!" caption ng TVJ sa kanilang post.


Agad namang nagbigay ng pagsuporta ang mga netizens at ipinahayag ang kanilang pagbati para sa mga ito.


"ang galing talaga mag market ng mga staff ng eat bulaga/tvj. di kagaya nung iba gayagaya lang. sinasakyan ang ingay ng tvj. kaya masasabi talaga na sila tagala ang liget/og dabarkads sa noontime show kahit anu, sino itapat walang tatalo."


"Hopefully bago mag44th Anniversary ay makalipat kayo sa bigger studio para mas madaming Dabarkads ang makisaya sa bawat tanghalian."


"Kapanapanabik at kaabang-abang ang pagbabalik ninyo ORIGINAL EAT BULAGA Dabarkads☺️❤️ Legit EB Dabarkads kami. God Bless and Goodluck"


Sa kabilang banda, naganap naman nitong June 28, 2023 ang contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA para sa pagpapalabas n It's Showtime sa GTV, isang subsidiary channel ng GMA7.


Matatandaan na nauna nang naiulat na ibinigay ng TV5 ang timeslot ng It's Showtime sa show ng mga legit dabarkads sa pamumuno ng TVJ, na naging dahilan kung bakit umalis na lamang sa TV5 ang It's Showtime at lumipat sa GTV.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo