Ellen Adarna Ibinuking Kung Magkano Ang Ibinibigay Na Sustento Ni John Lloyd Sa Kanilang Anak

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nagulat at mas lalong humanga sa aktor na si John Lloyd Cruz nang ibulgar ni Ellen Adarna kung magkano ang ibinibigay nitong sustento buwan-buwan para sa anak nilang si Elias.


Marami ang napahanga dahil sa pagiging galante at pagiging responsableng ama nito na hindi katulad sa ibang mga ama na basta-basta na lamang iniiwan ang kanilang mga anak.


Sa isang TikTok video, isiniwalat ni Ellen Adarna na buwan-buwan kung magbigay ng sustento si John Lloyd para sa kanilang anak sa halagang 20,000 pesos.


Ayon pa kay Ellen Adarna, si John Lloyd ang unang nagtanong sa kanya kung magkano ang dapat niyang ibigay na sustento para kay Elias.


Agad naman umano itong sinagot ni Ellen na 10 000 ang kailangan na pangbasic needs ni Elias. Dinoble naman umano ito ng aktor at nagbibigay ng 20 000 kada buwan.


Alam naman umano niyang kaya pang dagdagan ni John Lloyd ang sustento subalit hindi na umano pumapayag si Ellen dahil kailangan pa rin umano niyang magbigay para kay Elias dahil nasa co-parenting set-up sila.


“I know he’s more than capable of giving more than that but I told him I cannot accept anything more than P20,000 and that’s it,” saad ni Ellen.


“Because we’re co-parenting. I have my obligations and responsibilities for Elias so it’s just fair,” dagdag pa ni Ellen.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing video ni Ellen. Marami ang humanga kay John Lloyd Cruz dahil hindi umano ito naging pabaya sa kanyang anak.


Hinangaan rin nila si Ellen dahil hindi umano ito naging makasarili.


Nadawit din sa usaping ito ang aktor na si Paolo Contis dahil sa pagiging irresponsable nito sa kanyang mga anak sa iba't-ibang babae.


“Salute to Ellen and John Lloyd.”


“Shes not greedy.”


“Hindi talaga sya greedy. Mabait daw talaga si Miss Ellen Adarna. Basta swerte si Derek Ramsey.”


“Hindi marunong mag effort yan c contis tamad cguro sa iba lng masipag.”


“Paolo contis left d group.”


“Paolo contis jump to the universe.”


“Hindi marunong mag effort yan c contis tamad cguro sa iba lng masipag.”



@mjmarfori #fyp #JohnLloydCruz #entertainmentph #ellenadarna #derekramsay #showbiznews ♬ original sound - Mj Romualdez Marfori - Mj Marfori

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo