TVJ, Ipapaubaya Na Lang Sa Mga Jalosjos Ang Eat Bulaga

Biyernes, Hunyo 16, 2023

/ by Lovely


Agad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang napapabalitang babaguhin na lamang ng TVJ ang pamagat ng kanilang show sa TV5.


May mga lumalabas ng mga haka-haka na iiwan at tuluyan nang ipapaubaya ng TVJ o nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. ang Eat Bulaga.


Ayon pa sa mga usap-usapan na gagamit ng panibagong pamagat ang TVJ sa kanilang magiging show sa TV5. Isa umao sa pahiwatig ng TVJ na magpapalit na lamang sila ng pangalan ay ang post ni Joey De Leon kung saan ipinahayag niyang 'This Is Eat'.


Hinuha ng mga netizens na ito ang magiging pamagat sa kanilang show sa TV5.


Samantala, sa isang panayam una nang naitanong kay Joey De Leon kung gagamitin ba nila ang titulong Eat Bulaga sa kanilang panibagong show, subalit hindi ito nilinaw ng komedyante.


Ibinahagi lamang noon ni Joey De Leon na muling magbabalik sila sa ere sa darating na July 1 o di kaya ay sa darating na July 3.


Samantala may mga netizens naman na hindi sang-ayunan sa pagpapalit at pagpapaubaya ng TVJ sa TAPE Inc. Tanong pa ng ilan, paano na ang pagsisilebrate hanggang sa 50 year ng Eat Bulaga kung iba na ang pamagat nito.


May mga nagsabing mas bagay na Dabarkads ang pamagat ng show kaysa sa This is Eat.


Gayunpaman, may mga nagsasabing mas mabuti pang magpalit na lamang sila ng titulo at huwag nang makipag-agawan pa sa TAPE Inc. pagdating sa Trademark ng Eat Bulaga.


Kahit pa umano, hindi na nila dala-dala ang pamagat na Eat Bulaga, alam naman na umano ng mga Dabarkads na sila talaga ang naging pundasyon ng show na ito.


Hiling ng lahat na maging maayos na ang magkabilang panig at mas pagtuunan na lamang ng pansin ang pagpapasaya sa mga manonood sa kani-kanilang show.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo