Dito Na Pala Mapapanuod Ang Its Showtime Pag-Nagsimula Na Ang Noontime Show Ng TVJ Sa TV5!

Biyernes, Hunyo 16, 2023

/ by Lovely

 

Mainit pa rin na pinag-uusapan sa social media ang kung anong mangyayari ngayon sa noontime show na It's Showtime sa pagsisimula ng show ng TVJ.


May mga naglabasan ding ulat na umano'y magtatapos na ang kontrata ng It's Showtime sa TV5 sa darating na June 30. Hindi na umano ito ipinarenew ng TV5 dahil ibibigay na umano nila sa TVJ ang timeslot ng Showtime.


Samantala, naging maugong naman ang usap-usapan na lilipat at mapapanood ang It's Showtime sa GTV ang free to air channel ng GMA7.


Gayunpaman, ang balitang ito ay wala pa ring kasiguraduhan dahil hindi rin ito alam ng mga It's Showtime host.


Ayon sa kanila naghihintay lamang sila sa go signal ng mga nakakataas at namumuno sa kanilang programa. 


"Naghihintay rin kami sa mga susunod na magaganap," pahayag ng isa taga-It's Showtime.


Samantala, tila nagbago ang landscape ng mga variety show sa television nang biglang mamaalam ang TVJ sa Tape Inc. ang production company ng kanilang show na Eat Bulaga.


Isa sa pinaka-apektado nito ay ang schedule ng It's Showtime na mapapanood sa TV5 tuwing tanghalian mula lunes hanggang sabado.


Dahil sa mga kumakalat na ulat na papatalbugin sila ng TVJ sa kanilang timeslot. Matatandaan na ang noontime slot noon ng TV5 ay hawak ng Lunch Out Loud hanggang mangyari ang partnership ng ABS-CBN at TV5.


Inilipat sa late morning timeslot ang Lunch Out Loud at binigyan ng panibagong pamagat na Tropang LOL. Umire ito sa nasabing timeslot mula July 2022 hanggang April 2023.


Katapat naman ng Tropang LOL ang TikToClock sa GMA7. Magkatapat naman ang It's Showtime at ang Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo