Andrea Brillantes Binusabos Ni Renden Labador Sa Social Media

Biyernes, Hunyo 16, 2023

/ by Lovely


 Hindi pinalampas ng motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa kinakaharap na isyu ng huli.


Agad na naglabas ng saloobin si Rendon Labador hinggil sa isyu ng hiwalayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.


Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Rendon na sana'y magsilbing motivation at aral para sa lahat ang nangyari ngayon kay Andrea Brillantes. Ipinunto rin ni Rendon Labador na kinakailangang unahin muna ang career kaysa sa panlalandi.


"Motivation para sa lahat ng iniwan “Career muna bago landi” 


Samantala, tila hindi pa nakuntento rito si Rendon Labador at muling binanatan si Andrea Brillantes sa pagiging isip bata nito na naging dahilan umano kung bakit ito iniiwan.


"MARAMING PERA PERO ISIP BATA, iiwanan talaga namin kayo #CareerMunaBagoLandi 


"Para sa lahat ng taong iniwan ng Jowa. Oras na para ayusin ang mga sarili ninyo. Hindi namin kaylangan ng babaeng MARAMING PERA, Mas appealing ang babaeng matured mag isip at may priority sa buhay. 


"Wake up call sa lahat ng kabataan ito na puro paganda lang ang alam pero wala naman laman ang utak. In short, TURN OFF ang babaeng IMMATURE," caption ni Rendon Labador sa kanyang Facebook post kalakip ang larawan ni Andrea Brillantes na naglalaro ng Lato-Lato.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo