TVJ Deretsahang Patutsada Sa Mga Jalosjos Ibinulgar Kung Paano Sila Niloko Sa Eat Bulaga

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Deretsahan nang pinatamaan ng TVJ ang TAPE Inc. executives patungkol sa panloloko umano sa kanila upang makuha sa kanila ang titulo ng Eat Bulaga.


Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang TVJ sa mga  patama na ibinato nila sa mga Jalosjos.

Sa naganap na media day o presscon ng TVJ noong June 20 isiniwalat nila kung ano ang ginawa ng mga Jalosjos upang maangkin ang Eat Bulaga na sila naman ang nagpakahirap.


Matatandaan na nauna nang iginiit ni Joey De Leon na siya ang nakaisip sa pamagat ng kanilang show kaya naman nararapat lamang umanong ibigay ito sa kanila.


Sa nasabing presson din ginawang pormal ang paglipat ng TVJ sa TV5, at kinumpirma  na rin ng legit dabarkads na sa July 1 magsisimula sa pag ere ang kanilang show sa mismong alas 12 ng tanghali.


Bagama't hindi pa rin malinaw kung ano  ang title na gagamitin sa kanilang show, nagpahaging si Tito Sen na ang  gagamitin nilang pansamantalang title ng show ay ang E.A.T na nangangahulugang Eto Ang Totoo.


Hanggang ngayon ay ongoing pa umano ang kanilang kaso laban sa mga Jalosjos upang makuha nila pabalik ang titulong Eat Bulaga na si Joey De Leon naman umano ang unang naka-isip.


Pagsisiwalat pa ni Joey De Leon, hindi umano nagpaalam ang TAPE sa ginawa nilang pagpaparehistro ng Eat Bulaga sa Intellectual Property Office of the Philippines noong 2011. Bigla na lang daw nangyari ito.


Huli na nang malaman nila na hindi rin isinali  ang mga pangalan nila sa registration bilang owner ng Eat Bulaga, gayung hindi naman umano lingid sa kaalaman ng mga ito na siya may likha ng titulo. 


Ipinunto naman ni Bossing Vic Sotto na hindi lamang sila basta empleyado ng TAPE Inc. kundi partners na rin. Subalit, pakiramdam nila ay nilamangan at niloko sila ng TAPE dahil sa ginawang pang-aangkin ng mga ito sa kanilang show.


Ayon pa kay Tito Sen, may isang bagay daw na natutunan nila sa pangyayaring ito. Huwag lubos na magtiwala dahil sa huli maari rin talagang maloko. 


Ganun pa man, desisdido pa rin ang mga orinal host ng Eat Bulaga na  ipaglalaban nila ang sa tingin nila ay kanila, dahil ayon sa kanila, sila mismo ang Eat Bulaga. Sila ang legit dabarkads. Ito ang paulit ulit nilang binanggit sa nangyaring presscon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo