Cristy Fermin at Lolit Solis Tinawag Na Expired Ni Rendon Labador

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit sa mga mata ng mga marites ang pahayag na binitiwan ni Rendon Labador laban sa dalawang veteran showbiz columnists na sina Manay Lolit Solit at Manay Cristy Fermin.


Matatandaan na tahasang binatikos ni Rendon Labador ang young actress na si Andrea Brillantes dahil sa paglalaro nito ng lato-lato. Hayagan pang pinagsabihan ni Rendon Labador si Andrea sa pagiging immature umano nito na naging dahilan kung bakit iniiwan siya ng mga lalaki.


"MARAMING PERA PERO ISIP BATA, iiwanan talaga namin kayo #CareerMunaBagoLandi 


"Para sa lahat ng taong iniwan ng Jowa. Oras na para ayusin ang mga sarili ninyo. Hindi namin kaylangan ng babaeng MARAMING PERA, Mas appealing ang babaeng matured mag isip at may priority sa buhay. 


"Wake up call sa lahat ng kabataan ito na puro paganda lang ang alam pero wala naman laman ang utak. In short, TURN OFF ang babaeng IMMATURE #PrayForAndrea #MoveOn #StayMotivated"


Agad namang nagreact ang isa pang social media personality na si Valentine Rosales sa pahayag na ito ni Rendon Labador. Ayon kay Valentine, may dalawa siyang babaeng mature na irereto kay Rendon at mamili na lamang umano si Rendon sa dalawa kung sino ang mas gusto niya.


"Rendon matured na babae pala hanap mo eh, wag ka mag alala may dalawa akong babae dito pwedo mo pagpilian si Manay Lolit or si Mareng Cristy pili ka nalang pareho yang matured," komento ni Valentine.


Hindi naman ito pinalampas ni Rendon Labador at ipinuntong mature ang kanyang hanap at hindi iyong mga expired na.


"Ang sabi ko matured hindi expired," sagot ni Rendon.


Sa kabilang banda, hindi pa sumasagot ang dalawang matured lad na tinutukoy ni Valentine Rosales sa pagtatawag sa kanila ni Rendon bilang expired goods.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo