Toni Fowler Sinabing Si Rendon Labador Ang Pinakaplastik Na Tao

Linggo, Hunyo 18, 2023

/ by Lovely


 Binanatan ng social media personality at content creator na si Toni Fowler ang businessman at motivational speaker na si Rendon Labador.


Sa naging guesting ni Toni Fowler sa Youtube vlog ni Isko Moreno na Iskovery Night naglabas ng saloobin at reaksyon si Toni Fowler sa mga inaasal ni Rendon Labador at pambabanat nito sa ilang mga celebrities.


Ayon kay Toni Fowler, ginagawa lamang ni Rendon Labador ang kanyang pambabanat sa social media upang magkaroon ng content at pag-usapan siya ng mga tao. Ginagawa lamang umano ito ni Rendon Labador upang makakuha ng pera.


Dagdag pa ni Toni Fowler, hindi niya nakilala so Rendon Labador na ganito kaya naman masasabi niyang si Rendon Labador na ang pinakaplastik na tao sa buong mundo.


"Siguro sa ngayon masasabi ko na pinakaplastik na influencer ngayon sa social media, si Rendon Labador. "


"So para sa akin, hindi ikaw yan, yung ipinapakita mong pangit na ikaw. Naniniwala pa rin ako sa nakikita kong goodness in you, na ikaw yun," saad ni Toni.


Dagdag pa niya, "So plastik ka, ipinapakita mo yan para lang kumita ka."


Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag si Rendon Labador hinggil sa sinabi ni Rendon Labador sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo