Reaksyon Ni Marjorie Sa Yakap at Halik Ni Claudine Barretto Kay Dennis Padilla

Linggo, Hunyo 18, 2023

/ by Lovely


 Hindi nakaligtas sa mga intriga at pambabatikos ang dating actress na si Marjorie Barretto nang makita ng mga netizens ang madamdaming pagtatagpo ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto at ng kanyang dating asawa na si Dennis Padilla.


Sa pagdiriwang ng Father's Day ngayong araw, hindi naiwasan ng ilang mga netizens na maungkat muli ang pandededma ng mga anak ni Marjorie sa kanilang ama na si Dennis Padilla.


Samantala, sa mismong araw ng Father's day ibinahagi ni Marjorie sa kanyang mga tagahanga na nagluluto siya ng kanyang specialty para ipagdiwang nila ang Father's Day.


Kinumpirma din nito mismo na wala sa kanilang salo-salo ang dati niyang asawa na si Dennis at hanggang ngayon ay aminado siyang may isyu pa rin sa pagitan nila at ng kanyang mga anak.


Samantala, sa pagkalat ng video nina Claudine Barretto at Dennis Padilla kung saan makikitang naging emosyunal pa si Claudine hindi maiwasan ng mga netizens na kumparahin ang magkapatid.


May ilang mga netizens na nagsasabing noon pa man ay talagang close na sina Claudine at Dennis Padilla. Tinuring umano noon pa man ni Claudine na totoong kuya niya si Dennis.


Hindi din umano si Dennis nanghihimasok noon sa hindi pagkakaintindihan ng magkakapatid.


Subalit, nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon nang magkahiwalay noon sina Marjorie at Dennis. 


Sa ngayon, usap-usapan na magkakaroon nanaman ng lamat ang relasyon nina Marjorie at Claudine Barretto dahil sa kumakalat na video na naging dahilan kung bakit nababash ngayon si Marjorie.


Sa ngayon ay parang chill lamang si Marjorie sa gitna ng mga intriga sa kanya. Ninanais lamang umano ni Marjorie na i-maintain ang kanyang peace at sa kanyang mga anak.


Matatandaan na nagkaroon ng lamat ang relasyon ng mag-ama ng sumawsaw umano si Dennis sa isyu noon nina Julia Barretto at Gerald Anderson.


Nadagdagan pa ito ng magrant si Dennis Padilla nang hindi siya binati ng kanyang mga anak sa mahahalagang okasyon ng kanyang buhay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo