Skusta Clee Sinabihang Walang Kwen-Tang Tatay Zeinab Harake Galit Parin!

Linggo, Hunyo 18, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social ang ibinahaging post ng OPM Rapper na si Skusta Clee kung saan binati niya ang kanyang sarili ng Happy Father's Day.


Kalakip ng kanyang pagbati sa kanyang sarili ay isang art kung saan makikita ang mukha nila ng kanyang anak kay Zeinab Harake na si Baby Bia. Sa itaas na bahagi ng kanilang mukha ay ang larawan naman ng isang sanggol na anghel.


Ayon sa mga netizens ang batang anghel na nasa larawan nina Skusta Clee ay walang iba kundi ang nalaglag na anak nila ni Zeinab Harake.


Marami naman sa mga netizens ang bumating pabalik kay Skusta Clee. Subalit, may mga nagsasabi rin at ipinuntong wala siyang kwentang ama dahil sa mga pinagdaanan nilang kontrobersiya ni Zeinab Harake.


"Dami-dami mong pwedeng lokohin, sarili mo pa talaga yung napili mo."


"Nung Kasama mo sila Hindi mo pinahalagahan Ngayong Hindi mo Kasama paawa Ka."


"AMACCANNNAAA SKUSTA CLEE"


Samantala, sa isang post sinagot ni Skusta Clee ang mga batikos sa kanya. Ayon kay Skusta Clee kaya rin niyang maging mabuting ama kung bibigyan lamang siya ng pagkakataon ni Zeinab Harake.


"“Wala kang kwentang tatay” 

Try nyo ibigay. Hindi ako perfect na ka relasyon I know matagal na! Pero 100% na kayang kaya kong maging tatay sa anak ko. Ayaw lang kasi alam ko pano maging tatay. Pero ays lang naniniwala ako sa oras."


Agad din itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens may mga sumuporta kay Skusta Clee subalit mas marami pa rin ang bumabatikos rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo