Toni Fowler Muntik Nang Paanakin Si Papi Sa Kotse!

Lunes, Hunyo 26, 2023

/ by Lovely


 Papi Galang nagvlog pa bago sumakit ang tiyan at pumutok ang panubigan.


 Habang nasa isang vlog si Papi Galang, kung saan ibinabahagi niya ang laman ng kanyang hospital bag, bigla na lamang sumakit ang kanyang tiyan at pumutok ang kanyang panubigan.


Agad naman siyang pinasok sa kotse upang maitakbo sa hospital. Ang kanyang asawa ang nagdadrive, sumama rin sa hospital ang kanyang kapatid at ang kaibigan na si Toni Fowler.


Sila ang umaalalay kay Papi Galang sa loob ng sasakyan dahil hindi na ito mapakali dahil sa labis na pananakit dala ng kanyang pagli-labor.


Habang nasa loob ng sasakyan at naglilabor si Papi labis silang nag-aalala dahil talagang namimilipit na ito sa sakit. Muntik pang makaanak si Papi sa loob mismo ng sasakyan. Dahil patuloy nang bumababa ang bata.


Ang hospital na aanakan ni Papi ay isang oras pa ang layo mula sa kanilang tinutuluyan. Labis naman ang pag-aalala at pagko-comfort ni Toni Fowler sa kanyang kaibigan na si Papi.


Halos tumayo na nga siyang kumadrona rito sa kanyang pag-aalalay. Labis naman siyang nataranta nang makitang unti-unti nang lumalabas ang ulo ng bata gayung malayo-layo pa sila sa hospital.


Kaya naman, hinanda na umano ni Mommy Toni ang kanyang sarili sakaling lumabas ang sanggol.


Pagkarating nila sa hospital ay nakahanda na ang mga medical staff at sinalubong kaagad sila nito. Idiniretso si Papi sa delivery room kung saan nakahanda na ang mini swimming pool para sa water birthing nito.


Makalipas ang ilang minuto ay matagumpay nang naipanganak ni Papi Galang ang isang malusog na baby boy.


Labis naman ang kanyang pagiging emosyunal ng makita sa unang pagkakataon ang kanyang sanggol.


Maging si Toni Fowler ay emosyunal rin dahil naging matagumpay ang water birthing ng kanyang kaibigan na si Papi.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo