KZ Tandingan Nawalan Ng Direksyon Ang Buhay Matapos Itong Mangyari Sa Kanila Ng Kanyang Asawa!

Lunes, Hunyo 26, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng singer na si KZ Tandingan na parang nawalan ng direksyon ang kanyang buhay ng maghiwalay sila ng kanyang asawa na si TJ Monterde.


Sa kabilang banda, dahil naman umano rito ay nakapagsulat siya ng mga panibagong kanta kung saan kinareer niya ang bawat lyrics at tunog nito.


Sa naganap pang mediacon para sa kanyang kantang Dito Ka Lang, ipinahayag niya ng kanyang pagmamahal para sa kanyang asawa noong nakaraang June 22, 2023.


Ayon kay KZ, sinimulan niya ang pagsusulat ng kantang Dito Ka Lang noong nagkahiwalay sila ng kanyang asawa na si TJ nang isang buwan dahil sa world tour concert nito.


Paglilinaw pa ni KZ na ito ang unang pagkakataon na nagkahiwalay sila ng matagal ng kanyang asawa mula noong naging magkarelasyon sila.


"Actually nagsimula siya, chorus lang talaga. Nasa banyo ako noon nang isulat ko ang chorus. Tapos, pinarinig ko kay TJ, tapos sabi ko sa kanya, 'bagy 'to kay ano'. Kasi hindi ko talaga siya nakita na kanyta for myself. Para sa ibang tao talaga siya."


Dagdag pa ni KZ, "Hindi ko pa siya noon tinapos kasi feeling ko ang corny, tapos itong si TJ, nagtour ng halos isang buwan sa Canada. That was the first time we were apart since we started dating 9 years ago."


Kaya naman nang wala umano ang kanyang mister ng isang buwan, parang nawalan umano ng direksyon ang kanyang buhay. Doon na umano niya binalikan ang dati niyang nasulat na kanta kung saan naipapahayag niya ang kanyang nararamdaman. Labis umano niyang namimiss ang kanyang mister.


"The song is about feeling like you don't deserve the kind of love that you're getting. It's a song that I wrote for my husband," pahayag pa ni KZ.


Hindi rin umano niya alam kung paano sagutin ang mga netizens na nagtatanong sa kanya kung ano ang nagawa niya upang makuha ang klase na pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni TJ.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo